aichang14's Reading List
28 stories
BEDTIME STORIES Vol. 1 (Ang Koleksyon ng mga Maiksing Kuwentong Katatakutan) by LadyImmortalJ
LadyImmortalJ
  • WpView
    Reads 3,119
  • WpVote
    Votes 54
  • WpPart
    Parts 12
Kung alam lang ng lahat, noong unang panahon, nagkukuwento na ang ating mga ninuno ng mga kuwentong katatakutan. Mga kuwento tungkol sa mga nilalang na nakakatakot na halos hindi na tayo patulugin gabi-gabi-mga aswang, bogeyman, halimaw, demonyo, multo, at mga engkanto. Ito ang isa sa mga namana natin sa kanila. ang kahiligang magkuwento at makinig ng mga istoryang kahindik-hindik at kahila-hilakbot. Ang ilan sa atin ay mga seryosong nakikinig o ang iba naman ay apektado, at iilan rin sa atin ay hindi naniniwala o akala nila ito'y laro-laro lamang. Panakot sa mga batang pasaway at ayaw makinig sa mga nakatatanda. Pero lingid sa ating lahat, may mga istorya na magbibigay sa atin ng leksyon, lalong-lalo na, babala. Isang babala na magpapatunay na hindi lang ito laro-laro lamang... babala na magpapatunay may mga nilalang na talagang totoo at nagtatago lamang sa dilim... na hinihintay lang nila na sila'y banggitin... Mas makabubuti kung basahin mo na ang librong ito hangga't malakas pa ang loob mo at huwag mo nang hintayin pang dumating ang dilim... baka magsisi ka sa huli.
LaLuIm : Langit. Lupa. Impyerno [COMPLETED] #InkWarz2019 by DessertedCoffee
DessertedCoffee
  • WpView
    Reads 663
  • WpVote
    Votes 93
  • WpPart
    Parts 12
"Langit...Lupa...Im - im...Impyerno...Saksak puso...Tulo ang dugo..Isa...Dalawa..Tatlo..." Hindi ito yung tipikal na laro na pag nasa taas ka na, hindi ka na pwedeng mataya Hindi ito yung tipikal na laro na pag ikaw ang nasa baba pwede kang mataya o manaya Hindi ito yung tipikal na laro, Hindi. Sumali ka kung gusto mo malaman ang takbo ng larong to, Bilis! Nag-iiba taya na.. ~ Posteng Makata. ❗Big NO to plagiarism!
Babaeng Mental by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 269,135
  • WpVote
    Votes 1,906
  • WpPart
    Parts 5
Babaeng Mental Isang malagim na gabi ang nasaksihan ng walong taong gulang na paslit sa loob ng sariling tahanan; sa ng silid ng mga magulang. Sa loob ng dresser, nakikita niya at naririnig ang pagsigaw ng kanyang Daddy, ng Mommy, ng Ate at Kuya; umiiyak, nakikiusap at nagmamakaawa. May mga monster! Pinilit niyang gisingin ang sarili sa inaakalang bangungot na nangyayari, ngunit nabigo siya. Totoo ang lahat at hindi panaginip! Apat na kakaibang tunog ang kanyang narinig; tunog na hinding-hindi niya malilimutan, ganoon din ang mukha ng anim na halimaw. Uno, Dos, Tres, Kwatro, Singko at Boss... pangalan ng monsters na hahanapin niya kapag may super powers na siya; kapag malakas na, at kaya nang lumaban. Binagtas niya ang kahabaan ng kalsada. Hindi alintana ang dilim ng gabi; ang lamig na nanunuot sa kanyang murang katawan dulot nang malakas na pagbuhos ng ulan at hampas ng hangin. Kailangan niyang makatakas! Hanggang mapadpad siya sa lugar na ni sa panaginip ay hindi niya akalaing mapupuntahan. Magiging malakas siya, matibay at palaban. Hahanapin niya ang mga monsters at sisingilin sa malaking pagkakautang sa kanya! Sina Bibeng at Digong, Tiklo at Puyo, ang mga taong magpapalaki sa kanya. Ano ang kapalarang naghihintay sa isang paslit? Malampasan kaya niya ang mga pagsubok na nakatakdang harapin? Copyright © ajeomma All Rights Reserved
In Her Shoes by Kuya_Soju
Kuya_Soju
  • WpView
    Reads 58,901
  • WpVote
    Votes 2,178
  • WpPart
    Parts 11
Katulad ng kwento ni Cinderella ay ganoon din ang buhay ni CINDY. May evil stepmother at evil stepsister din siya. Meron din siyang prinsepe. Ngunit paano kung lahat ng tauhan sa kwento niya ay gusto siyang mamatay? Hanggang sa magtagumpay ang mga ito na patayin siya. Pero hindi makakapayag si Cindy na hindi siya makakapaghiganti. Hindi magiging hadlang ang kamatayan para sa ninanais niyang paghihiganti sa mga ito! Babalik siya mula sa hukay sa kahit na anong paraan! "This is not your ordinary Cinderella story!"
Marahuyo by JhingBautista
JhingBautista
  • WpView
    Reads 367,566
  • WpVote
    Votes 19,628
  • WpPart
    Parts 22
Paraiso--iyan ang tingin ni Ariella sa Isla ng Bughawi. Ngunit hindi niya akalain na sa isang linggong bakasyon niya, mahuhulog ang loob niya kay Isagani, ang misteryosong lalaki na kilala ng lahat, at ito ang mitsa ng muling pagkabuhay ng isang natatanging alamat na matagal nang bumabalot sa isla. *** Sa wakas ay nagkakaroon na rin ng pagkakataon si Ariella na makaalis ng Maynila at magbakasyon sa mala-paraisong isla ng Bughawi kasama ang kanyang matalik na kaibigan. Ngunit ang hindi niya alam, sa tagong isla na ito sa probinsya ng Quezon ay nananahan ang isang alamat. Tuwing ika-limampung taon, isang dayuhang babae ang iniaalay para maging asawa ng engkantong matagal ng naghahari sa isla. At ngayong taon, si Ariella ang napili nito. Cover Design by Rayne Mariano
Anna Marga Rita (Lagim ng Nakaraan)  by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 613,711
  • WpVote
    Votes 2,332
  • WpPart
    Parts 5
Kuwentong ang TWIST ay may iba pang TWIST. Akala mo alam mo na; akala mo nahulaan mo na; akala mo tama ka na... pero may malalaman ka pa. Mas detalyado at siksik sa kaganapan. Sana magustuhan niyo, mga beh. Maraming salamat po. "Tama na Marga! Nakikiusap ako sa'yo, itigil mo na ang lahat ng ito!" umiiyak na pakiusap ni Anna. "Itigil?! Isa kang ipokrita, Ate! Alam mo sa iyong sarili na ito ang gusto nating mangyari!" Galit na galit na sigaw ni Marga. Si Rita naman ay nasa sulok lamang at walang patid sa pag-iyak habang ang dalawang palad ay nakatakip sa magkabilang tainga. "Magbabayad silang lahat! Hindi ako makapapayag na sila ay masaya habang tayo ay patuloy na nagdurusa! Papatayin ko silang lahat! Papatayin ko silang lahaaaaat!" Muling sigaw ni Marga na sinabayan ng matinis na halakhak. Umaagos ang luha sa mga matang nanlilisik sa tindi ng poot at pagkasuklam. Magkakapatid na magkakamukha, subalit magkakaiba ang ugali at paniniwala. Ano ang pinag-ugatan ng labis na galit ni Marga? Mapipigilan pa ba siya ng dalawang kapatid? Saan hahantong ang lahat? Credits to momhienidadhie for the cover. Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Si Joshua Lagalag at ang mga Sabadan ng Lamudyong  (Book V) by KuyaBoyet13
KuyaBoyet13
  • WpView
    Reads 216,713
  • WpVote
    Votes 10,086
  • WpPart
    Parts 26
Limang engkantado. Iba-ibang lahi, iba-ibang kakayahan. Pinalaki ng isang mangkukulam. Ginamit ang kanilang kapangyarihan at kakayahan para maghasik ng kaguluhan sa bayan na kanyang pinagmulan. Paano tatalunin nina Joshua at Angelo ang mga kalaban kung ang mismong taong bayan ang ginagamit nito para sila ay labanan? Tunghayan ang muling pakikipagsapalaran ng magkaibigan laban sa mga masasamang elemento na gustong maghasik ng kaguluhan. Isa na namang pakikipagsapalaran ng magkakaibigan sa mundo ng mga engkantado. Gaya ng mga naunang kuwento ni Joshua Lagalag, puno itong action, suspense, comedy at kaunting romance. Sana po ay inyo muling tangkilikin gaya ng inyong pagtangkilik sa mga nauna kong kuwento. Maraming salamat po! Enjoy reading! Special thanks to Ate Onang for the cover design.
TAKAS (one shot horror) by Kuya_Soju
Kuya_Soju
  • WpView
    Reads 56,345
  • WpVote
    Votes 1,334
  • WpPart
    Parts 1
Isang sulat ang babago sa buhay ni Gladys. Maitakas kaya niya ang kaibigang si Trina sa kamay ng malupit nitong asawa na si Gardo?
SICK by Kuya_Soju
Kuya_Soju
  • WpView
    Reads 970,122
  • WpVote
    Votes 31,477
  • WpPart
    Parts 34
(Now a published book under LIB) Tatlong kwento na sisikaping pabaligtarin ang iyong sikmura! Story 1: AUCTION Hindi mo na ba ginagamit ang iyong puso, utak, mata at atay? Benta mo na! Story 2: FLY Isang pagkakamali. Isang insekto. Anim na buhay kapalit ng isang buhay! Story 3: FLESH Isang kakaibang gawain... masarap bang saktan ang iyong sarili? HANDA KA NA BA?