ClintSantos
PROLOGUE
Bago magsimula ang labanan sa pagitan ng mga tao at bampira ay mayroong,nabuong pagmamahalan.
Nasa ilalim ng pamumuno ng mga bampira ang buong mundo, may isang grupo ang naitatag na namumuksa ng mga bampira, itinatag ito ni Ayato Ichijo ang head ng grupong phantom noon,kabilang sa kasamahan nila ay isang ring bampira na umibig sa anak ni Ayato na si Naomi, matagal nilang itinago ang kanilang pagsasama.
Isang gabi ay nag-usap ang magkasintahan, dahil nalaman na ng kanyang ama ang katauhan ni Daikyo na isa itong bampira agad nagpunta si Naomi upang ipaalam kay Daikyo.
"Daikyo, umalis ka na dito mapapahamak ka lang, alam na ni papa ang katauhan mo at baka anong magawa nila saiyo paki-usap" umiiyak si Naomi at itinutulak si Daikyo
"Naomi, magsama na tayo at magpakalayo-layo" ngunit hindi sumang-ayon si Naomi dahil hindi siya tatantanan ni Ayato kapag nalamang magkasintahan silang dalawa. Nakita sila ng mga tauhan ni Ayato "Daikyo! Traydor ka! Bampira!" humarang si Naomi "Wag hindi siya masama, matutulungan niya tayo laban sa masasamang bampira, pakiusap wag" hindi nakinig ang mga ito kinuha si Naomi at kinalaban si Daikyo, hindi nila ito kinaya at namatay silang lahat. Dumating si Ayato at nakita niya ang mga bangkay ng kanyang mga tauhan "isang malakas na bampira ang idinala mo dito Naomi!"sinampal niya si Naomi, bumunot ng espada at umatake ngunit agad tumakas si Daikyo dahil sa pagmamahal niya kay Naomi, hindi niya magagawang patayin ang ama nito.Si Daikyo ay ang prinsipe ng mga bampira at may kakayahang pahintuin ang tibok ng puso ng isang normal na nilalang. Araw-araw nangungulila si Naomi, ng magsimula na ang digmaan ng mga mafia at bampira ay hindi na kita pang muli ni Naomi si Daikyo. Ang digmaan ay nagtagal ng tatlong taon. Si Naomi ay nagkaroon ng anak bago pa umalis si Daikyo at ito ay dalawang taon na. Nagwakas ang labanan, at ang mga bampira ay tuluyan ng naubos kasama narin si Daikyo na nakitang yakap-yakap ang larawan ni Naomi bago mamatay.