Nagmahal. Nasaktan. Lumayo.
Iyan ang ginawa ni Amy Solomon para makalayo lang sa pag-ibig na nanakit sa kanya. Okay na siya kung masaktan man at takasan ang lalaking minamahal. Ang mahalaga ay kasama niya ang anak niya.
Isang aksidente ang nangyari at natagpuan niya ang sarili sa isang pamilya na inaangkin siya at tinatawag siyang Aria.
Paninindigan na lang ba niya ang bagong pagkatao na ibinigay sa kanya?
Ano ang gagawin mo pagnakita mo ulit yung taong una mong minahal? Hihingin mo na ba ang Closure para makamove on kana? O ipagpatuloy ang naudlot na pinagsamahan?