alecxiascorner
- Reads 960
- Votes 26
- Parts 13
Siya si Alecxia or "Alecx" sa mga kaibigan nya. Simple lang naman ang gusto niya sa buhay.. Pero Pusong bato ang tawag sa kanya ng bestfriend niyang si Lyka. Dahil NBSB siya until makilala niya si Migs. Si Migs na minahal niya ng sobrang sobra. Kahit na naging sila at maraming sumubok manligaw at magparamdam sa kanya. Eh hindi man lang niya tinapunan ang mga ito ng isang tingin. Para nga daw siyang kabayong may piring ang mga mata.. Ang tanging lalaking nakikita niya ay si Migs lamang.
Siya naman si "Kent" na hindi pa kahit kailan nagseseryoso sa isang relasyon.. Babaero ang tingin ng iba sa kanya. Pero tulad ng depensa at paniniwala niya sa sarili niya "Hindi siya babaero dahil wala siyang babaeng pinapaiyak at ginagago". Dahil lahat ng dini date nya ay panay fling. "No strings attach" ika nga. Alam iyon lahat ng babae na dinate niya. At lahat ay pumayag sa set-up niyang yon. Kaya malinaw para sa kanya na hindi siya babaero. Takot siya sa commitment.
Ilang beses at ilang pagkakataon na pilit pinagtagpo ang landas nila.. pero naging mailap sila sa isa't isa?
Paanong nangyari yon?
At ng dumating ang time na nagkakakilala na sila finally eh masyadong nasaktan na si Alecx at ayaw ng umibig ulit. Tila bumalik ang pagiging pusong bato nito. At si Kent mawala na kaya ang takot niya sa commitment?