senyoritangwalngpera
Isang regalo ang kanyang natanggap mula sa hindi matukoy na nilalang. Galak ang kanyang nadama ng makita ang sariling pigurang buong husay na ipininta sa parisukat na tela. Sa hindi inaasahang pangyayari, ang munting regalong iyon ang babago sa kanyang payapang buhay at kakahon sa kanya sa buhay na na hindi niya kailanman ginusto. Paano niya matatakasan ang mapait na regalong buong galak niyang tinanggap? Paano siya makakalaya sa bangungot ng kanyang sariling pigura? Sino ang pipinta ng kanyang kalayaan ?