unluckyme's Reading List
6 stories
The Perfect Love Story [PHR] by jnkbernardo
jnkbernardo
  • WpView
    Reads 64,395
  • WpVote
    Votes 1,217
  • WpPart
    Parts 13
Southern Fever Band Book 4 Sequel to LOVE WAS MADE FOR US. This is Kristoff's story. First published by PHR (Precious Pages Corporation)
UNEXPECTEDLY (COMPLETED) by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 120,637
  • WpVote
    Votes 2,136
  • WpPart
    Parts 13
"Hindi mo lang alam kung gaano ko katagal na hinintay ang tamang panahon para sabihin sa 'yo kung gaano kita kamahal." Basted si Patty kay Kurt kaya sa galit ay hindi niya ito kinausap nang ilang taon. Pero hindi maiiwasang makita niya ang lalaki dahil bukod sa magkapitbahay sila at magkaibigan ang kanilang mga magulang, best friend din niya si Zac, ang kakambal ni Kurt. Matitiis sana ni Patty na makita ang pagmumukha ni Kurt, kaso may isa pa itong atraso. Sa hindi niya malamang dahilan, sinabi nito sa lahat ng mga nagtatangkang manligaw sa kanya na may dala siyang sumpa. Lahat daw ng naging boyfriend niya, kung hindi naaksidente ay naholdap, o kaya ay minalas. Kaya nagalit siya kay Kurt. Hindi naman siya tinantanan ng paliwanag ng binata. Kasabay niyon ay sinuyo siya nang katakot-takot. Nagawang tunawin ng pagmamahal nito ang galit niya. Kurt proved to her that he deserved to be loved. Nagtaka siya. Binasted na siya nito dati, hindi ba? Nasagot naman ang lahat ng katanungan ni Patty nang malamang ang katuparan pala ng pag-iibigan nila ni Kurt ay kalungkutan ang dulot sa taong kapwa mahalaga sa kanilang mga puso...
So Perfectly In Love (PUBLISHED under PHR) by prettyAeaea
prettyAeaea
  • WpView
    Reads 84,794
  • WpVote
    Votes 962
  • WpPart
    Parts 10
"Do your best and God will do the rest." Iyon ang mantra ni Jenneliza. Gagawin niya ang lahat hanggang sa umabot sila ni Johhans Santimaier sa simbahan. Naniniwala siya na kung ang babae ay nakukuha sa effort at sinseridad ng mga lalaki, ganoon din ang gagawin niya para mapasakanya ang binata. At ang susi para mag-fall si Johhans sa kanya ay ang kanyang "Ten Easy Steps To Make Him Fall For You." Parang ang easy lang. Pero hindi pala easy ang pagpapaibig sa isang Johhans Santimaier. Manhid ang lalaki; hindi man lang niya kakitaan ng kahit anong hint of progress sa kanyang ginagawa. Wala yatang kadating-dating dito ang beauty niya. Pero hindi siya susuko. He would be hers, no matter what. And it seemed good things indeed happen to those who wait. Nang alukin kasi niya ng date si Johhans, pumayag! Oh, my golly wow! Good sign na ba ito?
Love And Lies (Published Under PHR) by RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Reads 80,349
  • WpVote
    Votes 1,225
  • WpPart
    Parts 9
Helloooo~ It's G and I'm using this account. R and N are still busy kaya hindi pa matapos ang story ni Red. So, for the mean time, I'll post here yung mga unedited manuscripts ko. 'Yun lang, bow. Hindi lang ang pagiging vocalist ni Jessie sa bandang Picayz ang dahilan kung bakit sikat siya sa Saint Raphael University. Kilala rin siya sa bansag na "snob, heartless, unfeeling bitch" dahil sa hindi niya pagpansin sa mga lalaking pilit lumalapit sa kanya. Then she met Nathan Valdez. Dahil sa kapatid nito ay kumalat sa buong campus na "magkasintahan" sila ni Nathan. At tila hindi tumalab sa lalaki ang mga bansag sa kanya. Nagawa pa nitong ialok sa kanya na magpanggap sila bilang magkasintahan. Kailangan nito ang tulong niya para makaiwas sa babaeng naghahabol dito. The next thing she knew, napapayag na siya nito sa alok nito. Inisip niyang pareho silang makikinabang doon. Ngunit hindi niya inaasahang madaragdagan ang mga dahilan niya sa pagpayag niyang iyon. At ang dahilan na iyon? She started to fall for Nathan...
Jackpot In Love (Published under PHR) by RatedGRN
RatedGRN
  • WpView
    Reads 94,774
  • WpVote
    Votes 1,463
  • WpPart
    Parts 10
Dahil kinailangan ni Barbie na saklolohan si Hero nang unang beses niyang makita ito sa mall, nawala sa kanya ang lotto ticket niya-at nanalo pa naman ang mga numerong tinayaan niya. Gusto niyang mabalik sa kanya ang ticket dahil iyon ang babago sa buhay nila ng kanyang ina. Kaya nang sabihin sa kanya ni Hero na nasa pangangalaga nito ang ticket niya, agad siyang sumang-ayon sa kondisyon nito para maibalik sa kanya ang ticket-kailangan niyang magpanggap na nobya nito. Pine-pressure kasi ito ng tatlong tiyahin nito na maghanap na ng mapapangasawa dahil kung hindi ay ibebenta ng mga iyon ang shares sa kompanya at mapupunta ang pamumuno niyon sa ibang tao-bagay na ayaw mangyari ni Hero. Kailangan nila ang isa't isa kaya nagtulungan sila. Pero nang makilala ni Barbie nang husto ang binata, tila nawaglit na sa isip niya ang pangarap na maalwan na buhay. Napalitan na iyon ng pangarap na makasama ang binata sa habang-buhay. Ngunit may lihim na maaaring sumira sa pangarap niyang iyon...
A Reason To Live (Completed/Unedited Version/ Published) by CarlaReikoPHR
CarlaReikoPHR
  • WpView
    Reads 237,982
  • WpVote
    Votes 954
  • WpPart
    Parts 7
"If you love someone, no matter how much she has hurt you, crushed you, you will always find yourself forgiving her in the end. Mahal mo, eh." "I don't want to see you ever again." Pakiramdam ni Jean ay sinaksak ang puso niya nang ilang beses nang marinig iyon kay Apollo, ang nag-iisang lalaking minahal niya. Pero hindi niya ito masisi, because those were the same words she said to him when she left him a few years ago. Nasasaktan man ay naiintindihan ni Jean si Apollo. She left to allow him to move on with his life without her and he did. But she was back now. At si Apollo ang binalikan niya. Wala siyang planong layuan ito kahit pa lantaran siyang ipagtabuyan, kahit may girlfriend na ito. Hindi siya magpapatinag. Nabigyan siya ng pagkakataong mabalikan si Apollo kaya hindi niya palalampasin iyon! She still loves him and she would make him realize he still feels the same towards her. Hindi bale nang magmukha siyang stalker sa kakasunod kay Apollo. She's back and she's never going anywhere without him!