RochelleJaculo's Reading List
39 stories
Club Rex 19: Lend Me A Rainbow - Laurice Del Rio by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 1,963
  • WpVote
    Votes 53
  • WpPart
    Parts 8
Nagsisimula nang magningning ang bituin ni Eira sa larangan ng pagpipinta nang isang aksidente ang maganap at maging dahilan ng kanyang pagkabulag. Mula noon ay sinikap niyang kalimutan na ang panahong naging bahagi siya ng mundo ng makulay na sining. At dahil din sa naturang trahedya ay nagung tila mongha na siya sa buhay. That was until Cyd came into her life. At sa kauna-unahang pagkakataon mula nang maganap ang aksidente ay hinayaan niya ang sariling lumabas mula sa madilim na mundong kinasadlakan niya. At sa tulong ni Cyd, nagkaroon muli ng kulay ang buhay niya. Ngunit natuklasan niyang iba ang pagkakakilala niya rito. Na may iba pala itong motibo sa pagnanais na mapalapit sa kanya. Mapatawad kaya niya ito?
Pisong Luho - Vanessa by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 7,368
  • WpVote
    Votes 108
  • WpPart
    Parts 9
Nasa Pilipinas si Carolina dahil iyon ang gusto ng anyang ama. That was her punishment for being a brat. She was also stripped off of the things she thought she raded to survive, like shopping allowance and credit rds. Ang tanging ibinigay nito sa kanya ay isang libong song kailangan niyang kunin araw-araw sa isang pinag-akatiwalaan ng kanyang tiyuhin. Doon niya nakilala si Ben-isang atribidong lalaking tila inis sa kanya. Puwes, inis din siya rito kahit ang guwapu-guwapo nito. Ngunit nang patikimin siya nito ng halik, bakit sa halip na magalit ay nanghina ang kanyang mga tuhod at gusto pa niyang maulit iyon?
General's Angel 2: Bernardelli Subido - Elizabeth Mcbride by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 2,934
  • WpVote
    Votes 67
  • WpPart
    Parts 11
Nagpaplanong magpakasal ang older sister ni Bernardelli. At ayaw niyang magpadaig dito. Kailangang makasal din siya. You're the next bride, naiiyak na sumpa niya sa sarili. You have to be. At tamang-tama naman ang pagpasok ni Sidd Rebuya sa kanyang buhay. He was handsome and intelligent. But the problem was, he wasn't looking for a bride. Ang hinahanap nito ay isang babaeng magpapanggap bilang girlfriend nito. "I need a girlfriend," sabi nito sa kanya. Ang tingin yata nito sa girlfriend ay parang bubble gum lang na nabibili ng piso. But she needed him, too, kaya napapayag din siya nito. Hanggang sa ipatawag ito ng kanyang papa, para dumaan ito sa isang pagsubok. Magpakababa kaya si Sidd at sundin ang ipinagagawa ng kanyang papa, gayong bukod sa hindi naman niya ito totoong boyfriend ay anak pa ito ng isang senador?
The General's Angel 3: Sterline Subido - Elizabeth Mcbride by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 1,866
  • WpVote
    Votes 50
  • WpPart
    Parts 10
"You're the most intelligent Subido and you' ve never done a single mistake." Tumimo sa isip ni Sterline ang sinabing iyon ng kanyang papa. Ngunit paano niya sasabihin dito na nagbago na ang lahat? Na mula sa mga libro ay inagaw na ang atensiyon niya ni Roderick Benjamin, ang lalaking sa unang tingin pa lang ay alam niyang hindi niya maaaring ipagmalaki sa kanyang pamilya. Ngunit huli na ang lahat. Hindi na niya ito makalimutan. Para bang nakatagpo ito ng permanenteng tirahan sa isip at puso niya at wala nang planong umalis doon. At ang mahirap sa lahat, palagi niyang natatagpuan ang sariling pumupunta sa bahay nito na alam niyang hindi ikatutuwa ng papa niyang heneral at ubod ng istrikto...
My Love, My Hero Jared - Fiorella by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 5,713
  • WpVote
    Votes 111
  • WpPart
    Parts 11
Sa edad na disiotso, nagkaasawa at "nabiyuda" si Aila. Para lamang malaman pagkaraan ng limang taon na buhay si Jared; at nagbabalik ito sa buhay niya. A total stranger, with clear glasses, long hair and a sexy cleft chin with power over her. Isang banayad na haplos at nagagawa nitong paglaruan ang kanyang emosyon. Isang padamping halik at tumutugon ang kanyang katawan sa paraang hindi niya mabigyan ng katuwiran. At hindi niya alam kung bakit... kung bakit lahat ng katinuan niya ay naglalaho sa bawat sandaling ibinibilanggo siya ni Jared sa mga bisig nito. Ngunit sino ang misteryosang babae na may kinalaman sa naging buhay ni Jared sa loob ng nakalipas na limang taon? Ano ang motibo ni Jared sa kanyang pagbabalik?
Man Of My Dreams 8: The Cold Hearted Hawk - Cora Clemente by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 9,337
  • WpVote
    Votes 155
  • WpPart
    Parts 10
Paano siya papakasal sa isang politikong napipiho niyang nakakalbo na at malaki ang tiyan? Ang pangarap niyang groom ay isang guwapo at mala-Greek god ang kakisigan. Pero wala siyang choice kundi pumayag. On one condition: He would stay out of her sa panahon ng pagsasama nila. Pumayag naman ito sa written agreement niyang no sex relationship. Upang pagsisihan niya sa bandang huli ang kasunduang iyon nang magkaharap sila ni Luke Monteblanco. Dahil kabaliktaran ng lahat ng iniisip niya ang katangian nitong taglay. Isa itong batambata at pinakaguwapo na yatang congressman. Paano pa niya babawiin ang agreement nila, ngayong siya mismo ang nanabik na sanay y maranasan niya ang makulong sa mga bisig nito?
Man Of My Dreams 7: The Arrogant Seducer - Cora Clemente by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 7,672
  • WpVote
    Votes 149
  • WpPart
    Parts 10
Be my woman Ria. Shocked si Ria sa narinig. Gusto mo akong pakasalan? Isang nakakalokong halakhak ang pinawalan ni Gregor da Silva. Kasal? Hindi pa ako nababaliw para magpakasal. Ano ng ibig sabihin ng binata? Gusto lang siyang gawing mistress nito? Sang babaeng mapo-provide ng kaligayahan dito sa tuwing gugustuhin nito? Gusto niyang kamuhian ang pinakaaroganteng lalaking nakilala niya. Pero may karapatan ba siyang tumanggi? Hawak nito ang katahimikan ng pamilya niya. At paano siya makadarama ng pagsisising tinanggap ang bargain nito kung matapos siyang makulong sa mga bisig nito ay napatunayan niyang isa rin itong great seducer and lover?
Talahib 5: Minsan Isang Tag-ulan - Maureen Apilado by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 1,372
  • WpVote
    Votes 24
  • WpPart
    Parts 7
"Minahal niya ako nang wagas... nang walang hinihintay na kapalit." Nagmagandang-loob lang si Doreen na isakay ang isang matandang lalaki na nababasa na ng ulan sa waiting shed. Si Mang Joe, pakilala nito, at matandang guwardiya sa Falcon Builders. Nag-iisa, malungkot ang buhay nito tulad niya. Naging magkaibigan sina Doreen at Mang Joe. Inatake sa puso ang lalaki sa loob ng kanyang bahay. Iyon na ang simula ng isang malaking bangungot sa buhay ni Doreen. Si Mang Joe ay hindi guwardiya kundi ito ang may-ari ng kompanya, si Matt Falcon Sr. Nalaman niyang sa kanya ipinamana ni Matt Falcon, Sr. ang lahat ng kayamanan nito sa poot nina Cleo at Jan at kahit ni Andrew. Ano ang gagawin ni Doreen - aangkinin ba niya iyon o ibabalik sa mga tunay na tagapagmana ni Matt Falcon? Then she thought she was falling in love with Jan Falcon, kahit alam niyang may asawa na ang lalaki. Pero bakit sa tuwing nagtatagpo ang landas nila ni Andrew ay tila laging may paruparo sa sikmura niya? Bakit takot siya rito, and yet at the same time felf safe with him?
The General's Angel 5: Smitha Subido - Elizabeth Mcbride by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 2,422
  • WpVote
    Votes 37
  • WpPart
    Parts 11
Si Smitha Subidososyal, maarte, mataas ang tingın sa sarili. Ngunit bakit bigla siyang nahibang kay Wilbur? And before she knew it, naroroon na siya sa isang isla at nagpapaalipin dito. "Walang magtuturing sa yong prinsesa sa lugar na ito!" saad nito. "Nobody rules in this house but me." Mangiyak-ngiyak niyang sinunod ang bawat utos nito sukdulang masira ang kanyang mga kuko. Subalit bakit ba niya ginagawa iyon gayong kahit anong oras ay maaari siyang bumalik sa dati niyang buhay? Ah, iba na kapag ang puso ang nagdidikta...
The Substitute Groom - Noelle Arroyo by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 6,808
  • WpVote
    Votes 137
  • WpPart
    Parts 11
Isang linggo bago maikasal si Jeanne kay Pons-na best friend niya at siya ring lalaking ipinagkasundo sa kanya-ay namatay ito dahil sa isang aksidente. Hindi pa siya nakakabawi ay nalaman niyang ang half brother nitong si Bastian ang papalit dito sa kasal. Nataranta siya. Lalaking-lalaki si Bastian, samantalang ang kanyang namatay na best friend ay isang closet queen. Paano siya tatakas kung ang kapalit niyon ay dangal ng kanyang mga magulang? Pero maayos naman palang kausap si Bastian. Strictly platonic lang ang magiging relasyon nila. Besides, may annulment. Kapag nakaraos sila sa kasalan, makakaraos din sila sa hiwalayan. Ang problema, hindi napigilan ni Jeanne na ma-in love kay Bastian hindi pa man sila naikakasal. At kung kailan damang-dama na nila ang pag-ibig sa isa't isa, saka naman natuklasang hindi talaga patay si Pons...