RheaVillaplaza's Reading List
22 stories
Car Wash Boys Series 8: Wayne Castillo by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 49,387
  • WpVote
    Votes 1,248
  • WpPart
    Parts 10
"I fell in love with you yesterday, I fell for you more today. And I promise to fall in love with you for the rest of my life." Teaser: Walang habas na pumasok si Laiza sa loob ng Shop na pag-aari ng sikat na basketball player na si Wayne Castillo. Aalukin sana niya ito ng Insurance, ngunit, nabato siya ng bola ng isang customer doon. Sa pangalawang pagkakataon na nagkita sila, nagulantang ang buong mundo niya nang bigla siya nitong halikan sa labi sa harap ng ayon dito ay Mommy nito, at ng isa pang babae. At ang mas kinaiinis pa niya, sinabi pa nitong girlfriend siya nito at nagli-live in na sila. Nang itatanggi niya ang mga sinabi nito, muli siyang hinalikan nito. Nang tila ma-korner siya ng pagkakataon, napilitan siyang sakyan ang palabas nito. Sa pagdaan ng mga araw ng pagpapanggap niya, hindi niya namalayan na nahuhulog na ang loob niya dito. Unti-unti ay mas nakikilala niya ito. Ngunit dumating ang pagkakataon na kailangan na nilang tapusin ang palabas. Kasunod ng isang katotohanan na kailan man ay hindi siya minahal nito. Kung kailan hindi na alam ni Laiza, kung paano gigising sa umaga ng wala na ito sa buhay niya.
Kissing You Goodbye (First Draft Version) by LituSSutiL
LituSSutiL
  • WpView
    Reads 132,291
  • WpVote
    Votes 3,665
  • WpPart
    Parts 23
Maxwell Quintanar may be a dream guy for a lot of women, but for Jan Marie, he was nothing but an arrogant and condescending jerk who happened to be filthy rich and, well, handsome. Bakit niya hahangaan ang lalaking napakababa ng tingin sa kanya? Pero nang bagyuhin ng kamalasan ang kanyang pamilya, natuklasan ni Jan Marie na malaki pala ang utang nila sa lolo nito--kay Don Maximo. At si Maxwell ang inatasang kumuha ng natitirang ari-arian nila: ang kinalakihan niyang mansiyon. Kahit labag sa loob ni Jan Marie, pinuntahan niya ang lalaki para pakiusapan--at hindi sinasadyang nailigtas niya ang buhay nito. Bilang pasasalamat sa pagliligtas niya sa buhay ng apo, nakahanda raw si Don Maximo na tulungan siya. May isa lang itong hinihinging kapalit: kailangan niyang magpanggan na fiancee ni Maxwell. Desperada na si Jan Marie kaya pumayag siya. Tutal naman, may lapses ang memories ni Maxwell nang magising, madali niya itong mapapaniwala. Kailangan lang niyang magpanggap hanggang sa bumalik ang memories ng lalaki. Pero hindi niya napaghandaan ang Maxwell na may amnesia: sweet, malambing at very lovable...
A Villain's Tale Book 1: GREY, The Wicked Tyrant (Published - Unedited version) by _cinnamondreamer_
_cinnamondreamer_
  • WpView
    Reads 87,357
  • WpVote
    Votes 2,107
  • WpPart
    Parts 11
"Real love doesn't just come with happiness. It comes with satisfaction and contentment." Sharp-tongued. Gutsy. Feisty. Trouble. Iyon si Cady para kay Grey. She amused him in the most irritating way possible. Ito lang ang tanging babaeng hindi natatakot sa kanya. At hindi niya iyon nagustuhan. Gusto niyang matakot sa kanya ang dalaga dahil mas kumportable siyang ganoon ang reaksyon sa kanya ng mga tao. But not Cady. So, he kissed her. It was meant to be punishing, but damn, he liked it. And he wanted more. But wanting Cady means falling in love with her. At matagal na niyang isinara ang kanyang puso sa pag-ibig. So, would he still go for her and lose on love? Or would he just rein his feelings in and forever be the wicked tyrant everybody knew he was? The latter was a safe choice but the first was a tempting one. Would he give in to temptation then?
PERFECTLY IMPERFECT TRILOGY: A KISS FROM ME TO YOU by BETHANY SY by BethanySyLove27
BethanySyLove27
  • WpView
    Reads 29,194
  • WpVote
    Votes 398
  • WpPart
    Parts 4
Two years ago, nang ma-trap si Belle sa rooftop kasama ang campus heartthrob na si Callum Oliver, nadulas ang kaniyang dila at naitanong sa lalaki kung totoo ang kumakalat na tsismis na bakla ito. Nagulat na lamang si Belle nang lapitan siya ni Callum at walang paalam na hinalikan sa mga labi. Nangaligkig ang kaniyang buong katawan dahil sa paghalik ni Callum. Sa mismong araw naman ng graduation nila ay pilit na nilakasan ni Belle ang loob para ipagtapat kay Callum ang totoong nararamdaman. Pero nadurog ang kaniyang puso sa pagkabigo nang makita ang binata na kasama ang ex-girlfriend nitong si Pia. Ngayon, isa nang teacher si Belle at isang sikat na rock star naman sa buong Asia si Callum. At muli, naitakda ang pagkukrus ng kanilang mga landas nang makatanggap si Belle ng tawag mula sa isang misteryosong caller. Kung hindi raw siya makikipagkita kay Callum ay ikakalat ng caller ang ebidensiya tungkol sa gender issue ng binata. Dapat ay wala na siyang pakialam dahil sinaktan ni Callum noon ang kanyang inosenteng puso. Pero natagpuan na lang ni Belle ang sarili na kumakaripas ng takbo patungo sa function hall ng isang kilalang hotel sa Japan para pigilan ang masamang balak ng misteryosong caller...
Bud Brothers 6: Pepper's Roses (COMPLETED) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 156,012
  • WpVote
    Votes 3,304
  • WpPart
    Parts 15
"Hindi ka basta ibinagsak ng tadhana sa akin. Pinili kita. At dahil pinili kita, iingatan kita habang-buhay." Apektado na si Pepper sa cold war ng kanyang ama at ng best friend nitong si Don Pepe. Nanghihinayang siya sa mahigit forty years na pinagsamahan ng dalawa. Para mapagbati niya ang mga ito, kakailanganin niya ang partisipasyon at kooperasyon ng nag-iisang anak ni Don Pepe-si Rei Arambulo, ang lalaking kaaway na niya since the dawn of her puberty. Simple lang ang plano niya. Magkukunwari sila ni Rei na may relasyon. Kapag nalaman ng kani-kanilang ama na magiging magbalae ang mga ito, imposibleng hindi mag-usap ang dalawa. Himala ng mga himala, pumayag si Rei sa plano niya. At kalamidad ng mga kalamidad, nag-uumpisa pa lang sila sa kanilang palabas ay nag-malfunction na ang puso niya- biglang tumibok para kay Rei. By the time na inia-announce na ang kanilang pekeng engagement, hindi na fake ang damdamin niyang walang katugon. It's just a broken heart. Broken hearts still beat. I'll live. Kaya?
Bud Brothers 5 - He's The One (COMPLETED) by RoseTanPHR
RoseTanPHR
  • WpView
    Reads 170,614
  • WpVote
    Votes 3,052
  • WpPart
    Parts 15
"Wala ka bang balak magpalit ng boyfriend, Lady Picachu?" Hindi na mapapalampas ni Hiromi ang latest na panggigipit sa kanya ng mga miyembro ng kakompetensiya sa negosyo-ang Bud Brothers. Kaya naman sumugod siya sa teritoryo ng kalaban na ang tanging dalang sandata ay ang kanyang katapangan. Ngunit hindi pala sapat ang tapang niya, dahil sa kamalasan, si Ed Lacson ang nakaengkuwentro niya. She had planned to look dignified and poised in front of the adversary, pero nang makita niya ang former male model, lumipad ang composure niya. At mukhang balak siyang i-seduce ng lalaki para mabili ng mga ito ang kompanya niya. He's not my type, wika niya sa sarili, ngunit kahit split-ends niya, hindi niya makumbinsi.
CRAZY IN PINK (prince's scandal trilogy spin-off) by maricardizonwrites
maricardizonwrites
  • WpView
    Reads 162,615
  • WpVote
    Votes 4,551
  • WpPart
    Parts 20
Noon pa man in love na si Winnie kay Jeremy. Hindi niya itinatago ang nararamdaman para sa binata. Kaya lang palagi siya iniiwasan ni Jeremy. Wala tuloy nangyayaring progress sa relasyon nilang dalawa. Kaya nang malaman niya na magbabakasyon sila ng kaibigang si Ailyn sa isang malayong isla kasama si Jeremy, gumana kaagad ang utak niya. Nagdesisyon siyang paibigin ang binata sa pamamagitan ng isang planadong pagkaka-stranded sa isang isla na silang dalawa lang. Mukhang effective ang plano kasi habang stranded sila ilang beses siya hinalikan ni Jeremy. Dama ni Winnie, in love na rin sa kaniya ang binata. Until he learned about her plot. Sa halip na love, naging hate ang nararamdaman ni Jeremy sa kaniya. And Winnie was left with a broken heart.
 Falling for Mr. Pa-fall (Published under PHR/Unedited Version)  by celestinephr
celestinephr
  • WpView
    Reads 107,697
  • WpVote
    Votes 2,439
  • WpPart
    Parts 10
Falling For Mr. Pa-fall By Celestine Phr "Magpa-tattoo kaya ako ng pangalan mo? Para tuwing naghuhubad ako, alam na nila kung sino ang nagmamay-ari sa 'kin." Kailangan ni Christine ng male model para sa ipipinta niyang nude painting na pagbabasehan ng kanyang final grade. At isa lang ang pumayag magmodelo para sa kanya: si Adam, ang ultimate hottie sa campus. Sigurado siyang perfect model ang lalaki dahil nakita niya mismo ang magandang katawan nito noong Oblation Run. Pero may hinihinging tatlong kondisyon si Adam: 1. Bawal ang audience sa painting sessions nila. 2. Isang oras lang ang ilalaan ni Adam para sa pagpo-pose sa kanya. Hectic daw kasi ang schedule nito. 3. Halik ang ibabayad niya kay Adam-na ike-claim nito tuwing matatapos ang bawat painting session nila. Desperada na si Christine kaya napilitan siyang pumayag. Sisiguruhin na lang niyang hindi siya mai-in love kay Adam. Hindi naman siguro siya mahihirapan dahil hindi siya ang tipong madaling ma-fall sa mga playboy na kagaya nito. Pero hindi nagtagal, na-realize niya na ang kilig, mahirap palang pigilan. Sa katunayan, excited siya sa halik ni Adam sa bawat pagtatapos ng painting session nila...
Maid in Heaven (Published under PHR/Unedited Version)  by celestinephr
celestinephr
  • WpView
    Reads 129,853
  • WpVote
    Votes 924
  • WpPart
    Parts 4
Published under PHR
Fall All Over Again by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 336,786
  • WpVote
    Votes 7,557
  • WpPart
    Parts 23
published under PHR 2013 (Modified version) Why did I kiss you? Dahil gusto ko... Because I'm dying to kiss you every time I see you. Batang paslit ka pa lamang ay pinapangarap ko na ang mga labing iyan. Look how lucky can I get." 💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓 "Crush kita. Hihintayin kong lumaki ka at liligawan kita, promise 'yan." Paslit pa lamang si Timmy nang unang bitawan ni Third ang mga salitang iyan. Sa paglipas pa ng taon ay muli nitong inungkat ang pangako. "'Mula ngayon ay opisyal na girlpren na kita, kaya huwag ka ng magpapaligaw sa iba," pilyong sabi nito. "Puwede ko bang halikan ang girlpren ko?" "Sira ka ba?" Napamulagat siya nang todo sa request nito. "Ako ang unang boypren mo, kaya dapat ako din ang first kiss mo. Una at huli..." Bago sila naghiwalay ng lalaki ay ninakawan siya nito ng halik sa mga labi. "Hindi mo na talaga ako makakalimutan niyan, Timmy. Hanggang sa muli nating pagkikita..." Pero hindi na sila muling nagkita pa. Ang pangako nito ay nabaon sa limot. Paano nga ba panghahawakan ang isang pangako ng kabataan? Paglipas ng maraming taon ay muling nagkrus ang landas ng dalawa. Ang dating cute na Third noon ay isa nang macho at guwapong anak ni Adonis ngayon. Hindi pa niya limot ang hinanakit sa kababata, at ang masaklap ay hindi pa rin lipas ang kahibangan niya dito. "I always keep my word, Timmy. I always do." Huh! Ito pa ang may ganang magsabi ng gano'n? Pero sadya yatang hindi sila para sa isa't-isa dahil muli silang pinaghiwalay ng tadhana. And this time, hindi lamang isang baldeng luha ang idinulot nito sa kanya, tinangay pa nito ang lahat- ang kanyang isip, puso at buong pagkatao. Reading Order: Book 1: I Couldn't Ask For More Book 2: Fall All Over Again Book 3: My Sweet Misery Book 4: Creepy Little Thing Called Love