JCullenNase
'The Game' Series Book 3
Si Tristan Nickolas Delahunt, ang lalaking minsang binasted ni Dannielle noong college, ang lalaking pinagtawanan at iniwan na parang walang halaga.
Pero paglipas ng ilang buwan, nagbago ang lahat.
Ngayon, siya na ang CEO.
At si Dannielle Sapphire Zahra? Ang bagong sekretarya niya.
Tinanggap ni Tristan si Dannielle hindi dahil gusto niyang makita ito muli kundi para gantihan ito.
Para maramdaman ni Dannielle kung gaano kasakit ang mabaliwala.
Pero paano kung sa gitna ng lahat ng panlalamig at paghihiganti...
ay unti-unting bumalik ang tibok ng pusong matagal na niyang sinubukang patayin?
Minsan, hindi mo kailangang maghintay ng karma dahil minsan, ikaw mismo ang nagiging karma.
Jonelle Cullen Nase | October 2025