pensive_dreamer
- Reads 1,112
- Votes 285
- Parts 13
A Christmas 2018 Short Story Special
Pasko na naman pero nasaan ka na? Ikaw na kay tagal kong hinihintay. Paghihintay na kagaya ng mga bata tuwing sasapit ang Kapaskuhan - puno ng kasabikan. Sabik sa pagmamahal ng katulad mo. Ang pagmamahal na ipinaramdam mo sa akin na kagaya lang pala ng panahon ng Pasko - dumadating at lumilipas din. Pero bakit hindi ka na bumalik?
Pasko na naman at narito ako, hinahanap-hanap ka. Ikaw na nagturo sa akin kung paano magmahal. Pagmamahal na kay tagal kong hinangad. Pero pagmamahal na siya ring aking pinakawalan. Isang klase ng pagmamahal na inakala ko ay kagaya lang ng panahon ng Pasko - dumadating at lumilipas din. Pero bakit hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang hinahanap-hanap?