KendrickSupnet
- Reads 919
- Votes 145
- Parts 18
Si Oliver. Mahiyain pero matalino.
Si Greg. Dancer, outgoing, gwapo, mayaman at, well, medyo sikat.
Matagal ng magkaibigan ang dalawa kahit magkaiba sila. Simula Elementary palang, matibay na talaga ang pagkakaibigan nila. Kung saan pupunta ang isa, sasama rin ang isa. Kung anong hilig ng isa, susuportahan ito ng isa. Sa tuwing magkasama silang dalawa, nawawala sa isip nila kung ano mang ugali ang meron ang isa't isa. Dahil para sa kanilang dalawa, hindi nasusukat ang pagkakaibigan sa pagkakaparehas niyo ng personalidad kundi sa pinagsasamahan niyong dalawa.
Madalas parehas sila ng gusto sa mga bagay--maliban nalang sa babae. Si Oliver ay may gusto sa isang kaibigan ni Greg sa kanilang dance troupe--si Melissa. Si Greg naman ay paiba-iba. Pero sa sobrang pagkamahiyain ni Oliver, hindi pa niya nagagawang lapitan o kausapin si Melissa. At dahil kaibigan lang naman ang turing ni Greg kay Melissa, nagpangako siyang tutulungan niya si Oliver para ligawan siya.
Ngunit nang tumagal, inisip ni Greg kung tutulungan pa ba niya si Oliver para ligawan si Melissa. Oo, nagpangako siya, pero inisip niya na parang mali ang ginagawa niya. Dahil habang lumilipas ang panahon, sa tuwing tinutulungan niya ang kaibigan niya, unti-unting namumuo ang selos sa kanya.
May gusto rin siya kay Melissa. At hindi niya alam kung paano niya ito sasabihin sa kaibigan niya.
Anong mangyayari pagkatapos malaman ni Oliver na may gusto rin pala si Greg kay Melissa? Anong gagawin ni Oliver kung ang kakumpetensya niya ay ang mismong kaibigan niya? Paano na kung mawasak nalang bigla ang pagkakaibigan nila dahil sa parehas ang gusto nila sa bagay na hindi dapat parehas?
Can love destroy their friendship? If so, at what greater cost?