Jeepney Chronicles
MadamBee
- LECTURAS 809
- Votos 1
- Partes 17
---- Kwentong sabaw sa sinakyang jeep ..... xD --
Sa araw-araw na ginawa ng diyos, aakalain mo bang matatagpuan ko ang naligaw kong prinsipe sa isang maliit, masikip at makulay na Jeepney?
Kahit kailan ba'y sumagi na sa isip mo na ang simpleng four-wheeler public vehicle ay maaaring ang siyang magdadala sayo tungo sa hinahanap mong pagmamahal?
Minsan, sa pagsakay natin, hindi lang tayo dinadala sa lugar kung saan tayo bababa.
Minsan, nakakasabay din natin yung mga taong minsan na nating nakalimutan.
Meron namang iba na sa pagsakay ay nakakapulot ng mga bagay bagay.
Minsan pa nga, ang pwesto mo sa mala sardinas niyong upo sa loob ng dyip ay maaring magdikta ng survival ng cellphone at wallet mo.
Pero ang pinaka notable sa lahat syempre ay ang yung sa minsang pagsakay mo, ay tila nagkaroon ng Christmas light ang ordinaryong mundo mo. /
Simply Colorful.
At parang kahit gaano katrapik, kahit gaano ka polluted ang paligid at gaano pa guluhin ng hangin ang shinampoo mong buhok ay tila okay lang by just seeing that special person sitting right next to you.
Bawat sigundo, minuto, oras, at araw ay mahalaga.
Every second counts ika nga nila.
Kung irerelate natin yan sa pagsakay, kung malelate ka kahit ilang segundo lang ay maiiwan ka.
Kaya eto, inaagahan ko na talaga.
Sana Makasabay ko ulit siya !