avieking's Reading List
4 stories
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 40,166,733
  • WpVote
    Votes 1,332,328
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
Until We Meet Again Book I: 1903 (COMPLETE) by hephaestus4
hephaestus4
  • WpView
    Reads 76,628
  • WpVote
    Votes 1,362
  • WpPart
    Parts 38
[Highest Rank #15 in Historical Fiction Highest Rank #1 in History] [[EDITING]] Ang kwento ng pagibig at trahedya mula 1903 hanggang 2018. Si Esperanza ay isang mabuti, mahinhin at maalagang babae mula sa taong 1903 at si Elyca isang masungit, spoiled at mayamang babae mula sa taong 2018, ating alamin kung ano ang koneksyon ng dalawa sa isa't isa at ano ang mangyayari sa pagibig na meron sakanila. BOOK II is out and still ongoing
That Girl 1 & 2 by HaveYouSeenThisGirL
HaveYouSeenThisGirL
  • WpView
    Reads 4,718,187
  • WpVote
    Votes 60,213
  • WpPart
    Parts 20
haveyouseenthisgirlstories.com - That Girl 1: Eh paano kung isa kang babaero at isang araw may babaeng sumulpot sa buhay mo at sinabing ikaw ang boyfriend niya for 30days? At bawal kang mag-girlfriend ng iba sa loob ng 30iyon kundi bubugbugin ka niya? XD That Girl 2: Paano kung makapartner mo ang stalker mo sa isang holiday requirement?
50 Days With You (KathNiel) [COMPLETE] by kath3niel
kath3niel
  • WpView
    Reads 2,634,768
  • WpVote
    Votes 30,396
  • WpPart
    Parts 72
Sa bawat pag-agos ng ilog, sa bawat pagkanta ng hangin, sa bawat pagsayaw ng mga puno't halaman, sa bawat paglubog ng araw at sa bawat pagdaan ng panahon MAKAYANAN KAYANG LAMPASAN NINA KATHRYN AT DANIEL ANG MGA PAGSUBOK NA KANILANG HAHARAPIN?..MAGSURVIVE KAYA SILA SA 'HINDI INAASAHANG INSIDENTE' NA MAGIGING DAHILAN NG SURVIVAL NILA SA GUBAT'?.. PAANO NILA IPAGSISIGAWAN ANG NARARAMDAMAN SA ISA'T ISA SA LOOB NG FIFTY DAYS? Samahan sila sa kanilang adventure! ~Salamat at nakasama kita, kahit limampung araw lang, naramdaman ko na masaya ako sa buhay ko. Pakiramdam ko, kumpleto na'ko.Ngayong sigurado na'ko, Kath, baka pwede na.... ~ Daniel P.~