Dydyyann
- Reads 13,538
- Votes 416
- Parts 66
Started: June 8, 2025
Ended:
Sa mundong nilalamon ng kapangyarihan at sinaunang mahika, si Aurelia Murrelle ay naging sisidlan ng Slyphrite, isang berdeng bato na may sariling buhay, at umaapaw sa malakas na enerhiya. Kinatatakutan ng mga kaharian at pinaghahanap ng mga hari't reyna, siya ang sumpa at kaligtasan na sabay na isinilang, isang nilalang na may kapangyarihang humawak ng buhay at kamatayan.
Ngunit bawat himala ay may kapalit na pagdurusa.
Sa tuwing tatawagin ni Aurelia ang lakas ng Slyphrite, may bahagi ng kanyang kaluluwa ang tuluyang nawawala. At sa dulo ng lahat, iisa lamang ang tanong na kailangang niyang sagutin.
Handa ba niyang isakripisyo ang sarili upang iligtas ang mundong kailanman ay hindi siya tinanggap at kinamumuhian siya? o pipiliin niyang mabuhay kahit kapalit nito ang pagkawasak ng mga taong malapit sa kanya?
Isang makapangyarihang espada.
Isang delikadong mahiwagang bato.
At isang babaeng hinubog ng liwanag, dugo at sakripisyo.