JoannaHurgo's Reading List
138 stories
TIBC BOOK 1 - THE RUGGED KNIGHT by maricardizonwrites
TIBC BOOK 1 - THE RUGGED KNIGHT
maricardizonwrites
  • Reads 239,326
  • Votes 10,835
  • Parts 23
Ria lived a monotonous life. Sawang-sawa na siya sa pagmamanipula ng mga makapangyarihang magulang niya. All her life, ang mga ito ang nasusunod kung paano niya patatakbuhin ang buhay niya. Ngunit nagkaroon ng kakaibang saya ang mundo niya nang pumasok doon si Greg Ledesma, the rugged knight on a motorcycle. Sa piling nito lang niya naramdaman ang kakaibang saya at pagmamahal na hindi pa niya naramdaman sa kahit sinong lalaki. She knew it was love. Ngunit muling nakialam ang kanyang mga magulang. Pinagbantaan ng papa niya ang buhay nito. Hindi mangyayari iyon kung papayag siyang makipaghiwalay kay Greg at pupunta sa States. Masyadong mahal niya ang binata kaya sinunod niya ang kanyang ama. At dahil doon ay inani niya ang poot ni Greg. Kung malalaman pa nito ang sakripisyong ginawa niya para sa pagmamahal niya rito, panahon na lang ang makapagsasabi...
Let Me Love You by joydeloss
Let Me Love You
joydeloss
  • Reads 86,098
  • Votes 1,696
  • Parts 27
Handa na sanang kalimutan ni Monica ang isang gabing namagitan sa kanila ni Lorenzo subalit hindi niya akalain na magbubunga iyon kaya sinabi niya sa binata ang kalagayan niya, pananagutan naman daw nito ang bata,pero ang bata lang, hindi siya kasama. Subalit hindi pumayag ang nanay niya na hindi siya pakakasalan, kaya kinausap nito si Lorenzo at napapayag ng ina ang binata na pakasalan siya. Pero dapat ba siyang matuwa? Paano kung ang pangalan lang ng binata ang kaya nitong ibigay sa kanya ngunit hindi ang puso nitong nakalibing sa kalungkutan at hindi na alam kung paano muling magmahal?
Kasalanan Ko Ba Ang Ibigin Ka by Severino918
Kasalanan Ko Ba Ang Ibigin Ka
Severino918
  • Reads 94,769
  • Votes 2,102
  • Parts 18
"I can't Remember When it Happened, Basta nagising na lang ako isang araw na hinahanap ka ng puso ko."
Mahal Pa rin (Completed) by sincerelyjeffsy
Mahal Pa rin (Completed)
sincerelyjeffsy
  • Reads 27,220
  • Votes 1,600
  • Parts 11
Mula sa probinsya, lumuwas si Clarisse sa Maynila para mag-college. Then, one day, she met Jeremy. 'Yon nga lang, he had a bad impression on her. At nang akala n'ya'y malabo na silang magkitang muli, she found out that they're classmates! From strangers, they became enemies to friends. Hanggang magkagustuhan sila sa isa't isa't ligawan ni Jeremy si Clarisse. Kulang na lang ay maging sila. But, one day, Clarisse married another man. Jeremy was left devastated after that. Six years passed. May kani-kaniyang buhay na sila. Clarisse already has a son. Jeremy is about to marry his girlfriend who took care of him during his downtimes. Until, somewhere down the road, their paths crossed once more and old feelings were rekindled. Hahayaan ba nilang puso na lang ang magpasya? O dadayain na lang nila 'to para sa ikatatahimik ng lahat? Aminin kaya nilang mahal pa rin nila ang isa't isa? (Formerly "Ikaw Ang Una't Huling Mamahalin".)
The Unwanted Wife by joydeloss
The Unwanted Wife
joydeloss
  • Reads 426,389
  • Votes 7,154
  • Parts 21
"Handa akong gawin ang lahat, matutunan mo lang akong mahalin." Teenager pa lang si Charito, alam na niyang si Matthew ang gusto niyang mapangasawa. But Matthew had a fiancée. Kaya gumawa siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal ng dalawa. Binayaran ng daddy niya ng tatlong milyong piso ang babaeng pakakasalan sana ni Matthew para lumayo. With his fiancée out of the way, Charito could now marry the man she loved. Sa gulat-at tuwa-ni Charito, pumayag si Matthew na pakasalan siya. Pagkatapos ng kasal nila, ang akala ni Charito ay iyon na ang simula ng masayang buhay nila ni Matthew bilang mag-asawa. Pero nagkamali siya. Simula lang pala iyon ng paghihirap niya. Matthew found out about what she did. Galit na galit ito sa kanilang mag-ama. Pinakasalan lang pala siya ni Matthew para tuluyang ilayo sa daddy niya. Gusto nitong iparamdam sa kanya na kahit kailan ay hindi siya nito magagawang mahalin at kung gaano siya kawalang-halaga para dito. Nagtagumpay nga ba siya?
Hot Intruder - Pierre: The Compassionate Intruder (PUBLISHED under PHR) by Leonna_PHR
Hot Intruder - Pierre: The Compassionate Intruder (PUBLISHED under PHR)
Leonna_PHR
  • Reads 137,294
  • Votes 2,406
  • Parts 11
"Sabihin mo lang na ligawan kita, hindi lang puso mo ang nanakawin ko. Pati ang buong pagkatao mo, aangkinin ko." Masayang-masaya si Justice sa paglipat niya sa kanyang bagong bahay. Nag-overflow ang creative juices sa utak niya at nakapagsulat pa siya ng isang article bilang columnist sa isang sikat na women's magazine. Ngunit habang nagsusulat ay nakarinig siya ng kaluskos mula sa banyo. All of a sudden, a man came out of her comfort room! At isa itong magnanakaw-a virile, charismatic, and captivating magnanakaw. Imbes na kabahan na baka may gawing masama ang lalaki ay nagawa pa ni Justice na makipagkaibigan dito. At habang tumatagal ay nakilala niya ang tunay na pagkatao nito. Hindi masamang tao si Pierre kagaya ng kanyang inaakala. Actually, Pierre was the most compassionate man Justice ever met, and she had found herself willing to have her heart stolen by him...
Dare To Love You (completed_published) by Gazchela_Aerienne
Dare To Love You (completed_published)
Gazchela_Aerienne
  • Reads 67,125
  • Votes 1,529
  • Parts 13
Republished. Written by Gazchela Aerienne Chantal Yvonne was getting depressed on how Zuriel Andreau would be aware of her existence. Pinagtatawanan na siya ng mga kaibigan at hinamong paibigin ang binata sa loob ng tatlong buwan na duda siyang mananalo pa siya. Kahit ipinagsisigawan niya sa buong hospital ang pag-ibig niya sa binatang anak ng kanyang pasyente ay hindi iyon pinapansin ni Zuriel. At hindi rin nito pinapansin ang pagyayaya niya rito ng date.     "Malala na ang kabaliwan mo, Yvonne. Mas malala ka pa sa mga pasyente rito."     Halos pakyawin nito ang lahat ng psychiatric nurse roon. Bakit siya ay hindi nito magawang pansinin? Seksi naman siya, maganda at galing sa kilalang pamilya. Isang araw ay nakulitan na ito ng tuluyan at idinare siya. She should beat his dates in one week before he agreed to date her. Pero hindi lang date ang gusto niya kay Zuriel Andreau.     "Sorry, I can't be your boyfriend. Consistent date lamang ang mai-o-offer ko."     Kahit nakukulangan siya sa premyo ay pumayag na din siya, makasama lamang kahit saglit si Zuriel Andreau. Nanalo si Chantal Yvonne sa dare nila ni Zuriel Andreau dahil kusa itong nagpatalo sa hindi niya alam na dahilan. It's like hitting two birds with one stone, panalo siya sa dare nilang magkakaibigan, naging consistent date pa niya si Zuriel Andreau ng ilang buwan. May bonus pa, nauwi sa totohanan ang relasyon nila. Hinayaan siya nitong makapasok sa puso nito maski natatakot na iyong muling magmahal ng totoo.     Pero, paano na kapag nalaman ni Zuriel Andreau na ang puno't-dulo ng magandang relasyon nila ay isang pustahan? At ang puso nito ang tropeo na pinagpupustahan? Magagawa kaya niyang papaniwalain ang binata na ang damdamin niya para rito ay totoo at hindi dahil lamang sa premyo?
Please Be Mine by JasmineEsperanzaPHR
Please Be Mine
JasmineEsperanzaPHR
  • Reads 118,264
  • Votes 3,374
  • Parts 18
PHR # 970 Alodia Mari-Antoine was a college student while Neil Robin was a young professor. Kung attracted na agad si Alodia sa gwapong propesor, well, hindi siya nag-iisa. Crush ng halos lahat ng kolehiyala si Neil. Walang balak magpasapaw si Alodia sa iba. Kaya gumawa siya ng hakbang para sabihin sa binata ang tunay na nararamdaman niya. Pero, sorry na lang siya. Dead-ma sa kanya si sir. Sa sobrang sama ng loob niya at pagkapahiya na rin, umalis siya hindi lang sa unibersidad na iyon. Nagpunta siya sa Amerika at doon ipinagpatuloy ang pag-aaral. At wala na rin sana siyang balak na magbalik pa kahit na nang maka-graduate siya. Pero hindi niya matitiis ang sariling ama na naglalambing sa pag-uwi niya. At isang sorpresang malaman na ang taong dahilan kung bakit ayaw na sana niyang magbalik pa ay kadikit pala ng kanyang ama. At ngayong nagbalik na siya, halatang-halata naman niyang attracted sa kanya si Neil. Puwes, manigas ka ngayon. Wala na akong gusto sa iyo, saloob-loob niya. Kaya?
❤A Promise of Love (COMPLETED - Published under PHR) by iamsapphiremorales
❤A Promise of Love (COMPLETED - Published under PHR)
iamsapphiremorales
  • Reads 95,512
  • Votes 1,660
  • Parts 10
Bago nagkahiwalay sina Althea at Hubert ay nangako sila na hindi kakalimutan ang isa't-isa. Nakahanda rin si Althea na maghintay sa pagbabalik nito. And she remained true to her promise. Ngunit sa kung anong dahilan ay bigla na lang nawalan sila ng komunikasyon. Nasaktan si Althea pero hindi pa rin niya magawang hindi mahalin ito. At kahit lumipas na ang mga taon, ito pa rin ang nagmamay-ari ng puso niya. Kahit hindi niya aminin, umasa pa rin siya na darating ang araw na magkikita uli sila, na pwedeng madugtungan ang kanilang kahapon. Natugunan naman ang hiling niya. Ngunit ikakasal na ito sa ibang babae... Note: 2006 pa po ito na-published so pasensiya na po sa mga medyo malalalim at makalumang mga words =)
😊Ang Tunay na Pag-ibig ni Graciella ( completed_Published Under PHR) by iamsapphiremorales
😊Ang Tunay na Pag-ibig ni Graciella ( completed_Published Under PHR)
iamsapphiremorales
  • Reads 74,959
  • Votes 509
  • Parts 3
"Since that day you told me to stay away from you, you also took away my only reason to live." Romance writer si Graciella pero kabaliktaran ng magagandang kuwentong isinusulat niya ang kanyang love life. Isa siya sa mga taong allergic sa salitang "commitment" at "relationship." Paano ba naman, sinalo na yata niya ang lahat ng kamalasan sa pag-ibig. Hindi niya maintindihan kung ano ang mali sa kanya at lagi na lamang siyang niloloko at iniiwan ng mga lalaking minahal niya. Hanggang sa nakilala niya ang certified hot bachelor na si Tristan. Dahil sa isang pustahan, they ended up sleeping together. Ang akala niya ay hanggang doon lang iyon. After all, wala silang relasyon, walang emosyong involved. Pero nang pagtagpuin uli sila ng tadhana, they realized that they felt a "magical spark." Naulit ang mainit na tagpo sa pagitan nila. Subalit hanggang kailan siya makokontento sa ganoong setup nila?