CieloDestroyer
- Reads 476
- Votes 28
- Parts 11
Gwapo, habulin, sikat, at rich kid talaga ang College student na si Isaac Wolfgang. Ang buong kagustuhan lang niya ay gawin ang lahat ng gusto niya sa buhay hanggang sa magsawa siya. Iyon ay kung magsasawa nga ba talaga siya? Hanggang sa makilala niya ang pinakamaganda, sexy, seductive, at mayaman na babae sa tala ng buhay niya. Si Lillian Kier Walker. Pero sa kabila nang magandang traits ng babae ay kinaiinisan niya ito ng todo dahil napaka-antipatika, mayabang, ma-pride, at napakasungit. Gusto lang niyang iwasan at paalisin sa buhay niya si Lillian. Simula nang makilala ni Isaac si Lillian ay nasira na ang buhay niya. Nasangkot siya sa hindi inaasahang labanan at ang matindi pa ay buhay din niya ang nakataya dito. Dumating ang araw na unti-unti siyang nahumaling sa babaeng kinaiinisan niya. Hindi niya alam, siguro ay dahil din sa iba pa niyang mga katangian. Hindi nila alam kung saan hahantong ang buhay nila sa parehas nilang sitwasyon. Hindi nila alam kung saan tutungo at ano ang idudulot ng pagmamahalan nila. Mabubuhay ba sila? Dapat ba silang maghiwalay? O magwawakas ang lahat sa hindi magandang pangyayari?