Heartless029
Ikaw, ikaw na sobrang mahal na mahal ko.
Ikaw, ikaw na naging sentro ng pag-ikot ng aking mundo
Ikaw, ikaw na naging inspirasyon ng pagsusulat ko
Ikaw, ikaw na kailanman ay hindi maaabot ng isang tulad ko
Ako, ako ang matalik mong kaibigan
Ako, ako ang laging mong nakukwentuhan ng iyong nararamdaman
Ako, ako na puno ang bibig ng mga kasinungalingan
Ako, ako na nagsusulat para sana'y iyong malaman
Siya, siya ang dahilan kung bakit ka nasasaktan
Siya, siya na sa iyo ay wala namang pakialam
Siya, siya na nagnakaw sa puso mo
Siya, siya na kailanma'y di magiging ako
Tayo, tayong tatlo...
Magkakasama sa iisang kwento
Ako na mahal ikaw
Ikaw na mahal siya
Siya ang sa iyo'y nagnakaw
Gamit ang panulat
Aking isusulat.