BOOKS I READ✨📖
27 stories
Kristine  Series 7, Franco Navarro (COMPLETED) (UNEDITED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 682,661
  • WpVote
    Votes 16,920
  • WpPart
    Parts 23
Dalawang buwang sanggol pa lamang si Bea nang mangako ang sampung taong gulang na si Franco Navarro sa kanyang ama na pakakasalan siya sa pagsapit ng ikalabing walong tag-araw. At dalawang buwan na ang nakalampas matapos ang eighteenth birthday niya. At sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay ni Bea ay makakaharap niya si Franco Navarro upang ipatupad dito ang pangakong binitiwan. Si Franco Navarro ay walang balak na magpakasal sa kahit na kaninong babae. Pero determinado si Bea and she was holding on to his promise once upon a time.
Kristine Series 6, Amore (Beloved Stranger)(COMPLETED) - (UNEDITED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 472,272
  • WpVote
    Votes 9,180
  • WpPart
    Parts 21
"Hindi lahat ng nagpapakasal ay nag-iibigan, Diana. I have loved a woman once, perhaps love her still. But I broke to pieces when she died. Hindi ko na gustong maranasan pa ang pangyayaring iyon. I will marry you because I desire you at dahil kailangan ko ng asawa," walang emosyong sabi ni Bernard. Hindi kailanman itinanggi ni Bernard na hanggang sa mga sandaling iyon ay mahal nito si Jewel. Pero inalok nito ng kasal si Diana nang dahil lang sa physical attraction nila sa isa't isa. Walang emotional attachment. Ano ang gagawin ni Diana? Nahahati siya sa pagitan ng panganib na nakabadya sa kanya at sa pag-ibig niya kay Bernard.
Kristine Series 1: The Devil's Kiss (Beso del Diablo) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,602,850
  • WpVote
    Votes 37,175
  • WpPart
    Parts 17
Dumating sa Paso de Blas si Emerald upang sa unang pagkakataon ay makatagpo si Leon Fortalejo, ang lolo niya. At upang linisin ang pangalan ng daddy niya. Subalit sa unang araw pa lang ay sa mga kamay na ng kaaway siya bumagsak, kay Marco de Silva. At, eh, ano, kung si Marco ay may pinakaseksing ngiti na nakita niya? At, eh, ano rin kung masarap at mahusay itong humalik? Isa pa rin itong kaaway at gusto nitong pagbayarin siya sa kasalanan ng daddy niya.
Kristine Series 5, Villa Kristine  COMPLETED(UNEDITED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 422,126
  • WpVote
    Votes 9,535
  • WpPart
    Parts 20
Mula sa mga holdaper ay iniligtas ni Bernard Fortalejo si Diana sa pamamagitan ng paghagis ng maraming pera sa mga ito. Pero hindi iyon pinahalagahan ni Diana na nagpupumilit tumakas at tumakbo. May humahabol sa kanya. Hindi niya alam kung kasama ang lalaking naghagis ng pera sa mga holdaper. Wala siyang maaaring pagkatiwalaan. Subalit hindi siya pinakawalan ni Bernard na nangangakong ilalayo siya... but there would be a price to pay at kumapit siya sa patalim. And Diana didn't even know his name but he promised safety. Pero ligtas ba siya sa mga matang kasing-itim ng gabi? Ligtas ba siya mula sa mga labing nangangako ng langit? At paano ang literal na panganib na nagbabadya sa kanya?
ZIGZAG by Kuya_Soju
Kuya_Soju
  • WpView
    Reads 72,202
  • WpVote
    Votes 2,487
  • WpPart
    Parts 12
Sikat na travel vlogger ang kapatid ni Andrea. Nawala ang kapatid niya sa Old Zigzag Road sa probinsiya ng Quezon. Upang mabigyan ng kasagutan ang misteryosong pagkawala ng kaniyang kapatid ay nagtungo siya sa Quezon Province kasama ang ilang mga kaibigan. At makakaharap nila doon ang isang 30-foot-long reticulated python na matagal nang nanalasa sa mga residente sa lugar na iyon. Ang malaking ahas na nga ba ang kasagutang hinahanap ni Andrea o may iba pang misteryong bumabalot sa Old Zigzag Road?
Kristine Series 2: Ang Sisiw at ang Agila by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 2,047,157
  • WpVote
    Votes 49,168
  • WpPart
    Parts 25
Si Jasmin ang napili ni Don Leon na ipakasal kay Nathaniel. Wala siyang mapagpipilian kundi ang sumunod. Si Nathaniel ay nagpupuyos sa galit dahil sa manipulasyon ni Don Leon, at sa pagkakaalam nitong hindi na birhen ang babaeng pakakasalan. Mahigpit na tradisyon ng pamilya na malinis at marangal na babae lamang ang ipapanhik sa Villa Kristine. Sa nangyayari'y naiipit si Jasmin sa magkabanggang mag-lolo. Kay Don Leon na ang nais ay diktahan ang mga nasasakupan at kay Nathaniel na ang nais ay makawala sa manipulasyon ng matanda.
#ChanSing (Published By Bookware Pink&Purple) by isay_pasaway
isay_pasaway
  • WpView
    Reads 16,616
  • WpVote
    Votes 523
  • WpPart
    Parts 11
Yung sa sobrang tagal mong nasa friend zone, feeling mo citizen ka na doon. XD Matagal nang may hidden desire, este secret love si Ichan para sa kanyang kaibigang si Ising. Pero di siya makaporma dahil di siya pasok sa category ng dalaga sa mga tipo nitong lalaki na pulos: (1) rakista at tattoo-an ang katawan; (2) may 'terrorista' features. Ayaw naman niyang mabigo at consequently, maiwala rin ang kanyang best friend kaya di na siya sumubok. Habang-buhay na lang sigurong 'BFF 5ever' ang role niya at 'open-ended undisclosed unrequited love' ang kanilang drama. Pero sumulpot ang first love ni Ising. Pasok na pasok ito sa banga. Lahat ng type ng babae ay nasa lalaki at mukhang interesado rin ito sa kanyang kaibigan. Naghurumentado lahat ng puwedeng maghurumentado kay Ichan. May (matagal na pinagkapigil na) gigil na hinalikan niya si Ising. Baka kasi magaya kay Sleeping Beauty na matapos mahalikan ng true love's kiss ay magising na... sa katotohanan. Iyon nga lang, kabaligtaran ang nakuha niya mula roon. Pinadugo nito ang puso niya kasabay ng pagpapadugo sa nguso niya sa isang suntok. Kailangan na siguro niyang sumuko at maniwalang may mga bagay talagang hindi uubra kahit ipilit. Not meant to be, kagaya na lang ng love team nilang #ChanSing. Pangalan pa lang, semplang na.
Kristine Series 3: Dahil Ikaw COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 684,637
  • WpVote
    Votes 15,658
  • WpPart
    Parts 16
Sa loob ng maraming taon ay noon lamang nalaman ni Alexa na may kakambal siya, si Sandra, at kasalukuyang comatose dahil sa isang aksidente. At kinakailangang pakasalan niya ang reluctant groom nitong si Jake bilang si Sandra. Subali't paano si Bernard de Silva na umaasang silang dalawa? Paano rin kung magkamalay si Sandra at akuin nito ang katayuan bilang asawa ni Jake? Paano rin si Jake sa sandaling malaman nitong hindi siya si Sandra?
A Kidnapper's Mistake by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,205,362
  • WpVote
    Votes 137,196
  • WpPart
    Parts 28
Isang misyon, isang hindi inaasahang pagtatagpo at isang pagkamamali na magiging dahilan ng pagbabago ng plano. Paano maitutuwid ang isang pagkakamali kung tatakpan ito ng panibago pang pagkakamali? Namulat si Nightmare sa mundo ng digmaan at paghihiganti para sa katarunangan ng kaniyang mga magulang na walang-awang pinatay noong siya ay bata pa. Kasama niyang lumaki si Leon na siyang apo ng kanilang Commander at itinuturing niyang kapatid. Ngunit paano kung dahil sa isang misyon ay magbago ang takbo ng plano at maging ang kanilang mga kapalaran? Si Audrey ay isang reporter na puno ng prinsipyo sa buhay. Isang dalaga na may angking sikretong tinatago sa kaniyang pagkatao na hindi niya maaaring sabihin kahit kanino. Nang dahil sa isang pagkakamali ni Nightmare ay nagbago ang takbo ng buhay ni Audrey. Paano pa maitutuwid ang pagkakamali ng isang kidnapper na nahulog na sa bitag ng pag-ibig? Book Cover by: @WattpadBetaTeam Date Written: November 26, 2014 Date Finished: December 07, 2018