Paano kapag ipinaramdam sayo na parang wala ka nang halaga? Na hindi ka na importante sa buhay niya? Susuko ka na rin ba? O ipaglalaban kahit na nasasaktan ka?
Laro lang naman ito na 'Pass the Message' pero bakit ganito ka-corny ng line? Haay naku, pati ang aming guro ay nagiging cheesy na.
At hindi ko ito ine-expect...
Paano kung gusto mo siya pero binibigyan ka niya ng mga dahilan para ipaalam sa iyo na kahit kailan, di ka magiging mahalaga para sa kaniya? Ang hindi mo pala alam, kabaliktaran ang mga kahulugan.