jaminelee
- Reads 59,890
- Votes 1,579
- Parts 29
"Behind every lonely person is a dark side it hides and reveals only to the worthy people of understanding it."
****
Kapag nababanggit ang pangalang
Harry Bruce Moelker...
Agad na alam ng tao kung sino siya.
Lalo na't, siya ay kilala bilang isang Multi-Billionaire na business man. Pag-aari niya ang mga malalaking 5 star Hotel sa US, Asia at Europe...
Kilala rin siya sa Business World bilang "The Devil in Suit" dahil wala siyang pinapalagpas na kahit na sino lalo na't kapag binangga mo ang kanyang negosyo.
Sa kabila ng pagiging suplado, masungit, seryoso at di pala ngiting tao, marami paring nahuhumaling sa kanya na mga sopistikada at galing sa angkan ng mayayaman na mga babae, dahil kung gaano kapangit ang ugali kabaliktaran naman ng itsura nito. Na kung tumingin ang itim nitong mga mata ay napakalalim na parang tumatagos pati sa kaluluwa, matangos na ilong, manipis at mapupulang labi, almost perfect na hugis na mukha, ang makapal na kilay, maputing kutis at ang maskulado nitong pangangatawan.
Pero ang hindi alam ng lahat sa likod ng guwapo, mayaman at isa sa pinaka-maimpluwensiyang tao sa mundo, nagtatago din ang pangungulila sa isang bagay na kahit ito ay di rin malaman kung ano iyon.
basta't...
pakiramdam niya...
mayroong kulang...