ZaidaDeVeraGabot's Reading List
138 stories
Destiny 13: Runaway Groom - Flora Simon Rivera by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 13,130
  • WpVote
    Votes 170
  • WpPart
    Parts 11
On her way home, nakatabi ni Lannie sa upuan sa eroplano ang antipatikong lalaki na pati ang tahimik na pagluha niya ay pinuna. Pilit nitong kinukuha ang atension niya. Hanggang sa matagpuan niya ang sariling nagtitiwala rito. Estranghero sa kanilang lugar si Neill kaya hanggang sa lumapag ang eroplano ' y nakabuntot ito sa kanya. "I have this feeling na ako ang makakatulong sa "yong problema!" lyon ang mga katagang binitiwan.ng binata sa kanya. At naliligalig siya ngayon dahil may ginigising itong damdamin sa kanyang kaibuturan...
Chances - Leah Silverio by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 12,346
  • WpVote
    Votes 167
  • WpPart
    Parts 13
Hindi inaasahan ni Charlene na muli niyang makikita si Wellesley. Limang taon na ang lumipas nang takasan niya ito. - At sa mga panahong iyon ay napaniwala niya ang sariling napagtagumpayan niyang limutin ito. Iyon lang naman ang dapat dahil ipinagpalit siya nito sa iba. Kaya ganoon na lamang ang pagkalito niya sa nararamdaman nang maring itong magsalita sa harapan niya. "When you left, I never had the courage to look you up. What for? Ayaw mo na sa akin..." Nanatili itong nakatingin sa kanya. "Akala ko' y nawala ka na sa puso ko, na natanggap ko nang hindi ka para sa akin. But it took me one look at you to realize that I've never really gotten over you." "I-I don't know what to say," nabubulol niyang sabi. Hindi pa pala sapat ang ilang taong pagkakahiwalay nila upang mabawasan ang pagmamahal niya rito. "Bakit bumalik ka pa sa buhay ko, Wellesley?" "Simple lang, I know you belong to me and nothing else will matter." Would she believe him this time?
Suddenly - Rose Tan by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 6,820
  • WpVote
    Votes 172
  • WpPart
    Parts 8
Ling was very fond of her nieces. Kaya nang humingi ang mga ito sa kanya ng tulong na ihanap sila ng bagong mommy ay hindi siya nakatanggi. Ngunit hindi nagustuhan ni Rob, ang masungit niyang bayaw, ang paraang naisip niya kaya imbes na matuwa ay lalo pa itong nainis sa kanya At bakit hindi ito mainis? His face landed in one of the pages of a leading magazine as its "man of the month". Pinutakti tuloy ito ng mga women admirers. "You're supposed to be an adult, pero masahol ka pa sa bata! Sino'ng may sabi sa iyong pakialaman mo ang personal kong buhay!" galit nitong sabi sa kanya. Matapos ang insidenteng iyon, ipinangako ni Ling na hindi na muli siya makikialam sa buhay ng lalaki. Ngunit kung kailan wala na siya sa buhay nito ay saka naman siya nakatanggap ng marriage proposal mula rito. Na tinanggap naman niya!
Iniibig Kita..Mahirap Bang Sabihin Iyon? - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 9,999
  • WpVote
    Votes 265
  • WpPart
    Parts 11
Her life was complete and satisfied. Iyon ang mantra na laging inuusal ni Larissa sa sarili. Kung physical attributes ang pag-uusapan, she deserved a second look. Men came and then were gone. Wala siyang seryosong relasyon dahil sa sandaling makakita siya ng kahit bahagyang maipipintas sa boyfriend ay agad niyang tinatapos ang hindi pa man nagkakaugat na relasyon. Until Jack. Isang cowboy na Ilocadia. Gorgeous ang sexy. At marami siyang maipipintas dito. Isa na rito ay hindi gustong bigkasin ng lalaki ang salitang mahal siya nito. And yet he wanted to marry her for a reason. And she found out she loved this imperfect man. At hindi niya gustong pakawalan ito sa kabila ng wala namang relasyon tatapusin.
Semper Fidelis - Rose Tan by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 5,112
  • WpVote
    Votes 146
  • WpPart
    Parts 13
Bata pa si Sari ay minahal na niya ang apo ng matandang kumupkop sa kanya: si Aldon Latarde. Kaya naman ganoon na lamang ang kalıgayahan niya nang ialok nito ang pangalan sa dalaga. She was submissive, faithful and loving to Aldon. Dito umiinog ang kanyang mundo. Subalit iba ang balak ni Aldon. Alam nitong masasaktan si Sari kung dito manggagaling ang pakikipaghiwalay, kaya naman gumawa ito ng paraan -- paraang paibigin sa ibang lalaki si Sari. SEMPER FIDELIS, pangakong katapatan sa tuwina. Ngunit may halaga pa ba iyon nang matuklasan ni Sari na ipinamimigay ng lalaki ang pag-ibig niya?
Ako Ba'y Mahal Mo Na? - Rose Tan by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 3,426
  • WpVote
    Votes 83
  • WpPart
    Parts 12
Childhood enemies sina Gellie at Pepito. Ngunit dahil sa mga pansariling kadahilanan, nagpasya silang magkasundo muna. At dahil sa desisyong iyon, sila ngayon ang nakatakdang ikasal. Pareho naman silang pumayag. Bakit?
Kristine Series 56: Jose Luis Morrison Monte Falco - Martha Cecilia by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 5,942
  • WpVote
    Votes 155
  • WpPart
    Parts 29
She was running for her life. Sa nakalipas na anim na taon ay inakala niyang ligtas na siya. Subalit sa kaunting minutong nasilayan ang mukha niya sa telebisyon ay nagsimula na ang maraming panganib sa buhay niya. She staged her death. Hanggang sa matagpuan siya ni Jose Luis. Big, tall, and lethal. Hindi lang iyon, the man was sexy as hell. Iniligtas siya nito sa isang tiyak na kamatayan. Subalit tinakasan na niya ang lalaking ito anim na taon na ang nakararaan. Kasama ba ito sa mga nagtatangka sa kanya? Gayunman, may palagay si Cheyenne na mas nanganganib ang puso niya rito kaysa sa buhay niya.
Gems: Lux - Camilla by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 6,623
  • WpVote
    Votes 211
  • WpPart
    Parts 21
Sa buong bayan ni Lux Madrigal, wala siyang ibang minahal kundi si Red. Nang sa wakas ay natupad ang matagal na niyang inaasam na tugon nito sa pag-ibig niya, nadiskubre niyang pahiram lamang pala ang kaligayahang iyon. Sa kagagawan ng kanyang kapatid at sa pamamagitan ng impluwensiya ng kanyang papa, nakatakdang magdilim ang kinabukasan ng binata. Kinailangan niyang isakripisyo ang pag-ibig niya rito para sa kaligtasan nito. Seven years later, nagkita uli sila sa Paris. Malaki na ang ipinagbago nito. Marami nang pagbabago sa buhay nila pareho. One thing remained, though: Her love for him. Nang alukin siya nito ng kasal, akala niya ay iyon na ang simula ng bagong buhay na kasama ito. But Red had other plans. At hindi kasama roon ang pagbibigay ng happy ending sa kanilang love story.
The Substitute Groom - Noelle Arroyo by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 4,443
  • WpVote
    Votes 114
  • WpPart
    Parts 11
Isang linggo bago maikasal si Jeanne kay Pons-na best friend niya at siya ring lalaking ipinagkasundo sa kanya-ay namatay ito dahil sa isang aksidente. Hindi pa siya nakakabawi ay nalaman niyang ang half brother nitong si Bastian ang papalit dito sa kasal. Nataranta siya. Lalaking-lalaki si Bastian, samantalang ang kanyang namatay na best friend ay isang closet queen. Paano siya tatakas kung ang kapalit niyon ay dangal ng kanyang mga magulang? Pero maayos naman palang kausap si Bastian. Strictly platonic lang ang magiging relasyon nila. Besides, may annulment. Kapag nakaraos sila sa kasalan, makakaraos din sila sa hiwalayan. Ang problema, hindi napigilan ni Jeanne na ma-in love kay Bastian hindi pa man sila naikakasal. At kung kailan damang-dama na nila ang pag-ibig sa isa't isa, saka naman natuklasang hindi talaga patay si Pons...
My Princess - Josephine Mina by Tadzrei2
Tadzrei2
  • WpView
    Reads 6,208
  • WpVote
    Votes 94
  • WpPart
    Parts 11
Karibal ang turing ni Dolly kay Ella. Insecure ang una hindi lamang dahil maganda siya at attractive kundi lahat ng atension at karangalan ay napupunta sa kanya. Ngunit nabaligtad ang mga pangyayari nang dumating sa eksena ang balikbayang si Dave Montelibano, ang lalaking hindi mapagkit sa kanyang isipan dahil sa angkin nitong kaguwapuhan. Sa isang iglap ay si Ella ang nainggit kay Dolly. Paano y nakikita niya sa mga kilos ni Dave na may gusto ito sa "karibal". Parang gusto na niyang sumuko at tanggaping sa pagkakataong iyon ay talo siya ni Dolly. Pero paano kung isang araw ay sa bibig mismo ni Dave manggaling na iniibig siya nito?