zen-yle's Reading List
49 قصة
In Between Seasons (Sweater Weather Series #2) بقلم starjeizing
starjeizing
  • WpView
    مقروء 2,530,784
  • WpVote
    صوت 75,699
  • WpPart
    فصول 55
ysaac & haru bl story | completed
Of Thunders, Cigarettes, and Heartbreaks (Sweater Weather Series #1) بقلم starjeizing
starjeizing
  • WpView
    مقروء 4,951,550
  • WpVote
    صوت 141,755
  • WpPart
    فصول 58
sanjo & kit bl story | completed under revision
Ang Tahanang Iniiyakan بقلم kathayana
kathayana
  • WpView
    مقروء 72,135
  • WpVote
    صوت 1,427
  • WpPart
    فصول 35
Warrior of San Marcelino Series #2 | BL Story Sila dapat ang ligtas kong espasyo; kung saan may katahimikan at kalayaan. Ang tahanan ang dapat sandigan at hindi rason ng kalungkutan. Sa bahay na 'yon dapat tumatahan ngunit doon ko kailangang magpakatatag. Sila ang espasyong pumipilit sa aking maging hindi ako. Sila ang tahanan aking iniiyakan. Sa bawat araw na lumipas ang mga emosyong dapat niyakap ay tinutulak. Pati ang taong nagbigay ng mga emosyon ay akin ding tinulak. Ang taong nagsilbing tahanan ay aking iniwan. Hindi ko kayang tumanggap dahil iyon ay kahinaan. Ayokong maging bukas dahil mahirap at nakasanayan. Kailangan ko ng oras; hindi ito ang tamang panahon para magkatuluyan. Habang ako'y hinuhilom ng panahon, ikaw ay naiwanang wasak. Subalit nanatili kang tahanang inuuwian ng aking mga luha. Started: January 15, 2025 Ended: June 3, 2025
+16 أكثر
Vow of Tomorrow بقلم kathayana
kathayana
  • WpView
    مقروء 203,726
  • WpVote
    صوت 4,595
  • WpPart
    فصول 36
Warriors of San Marcelino Series #1 | Trans Story Paminsan-minsan ay hindi natin magawang maniwala sa isang sitwasyong naulit na sa ating nakaraan. Paano ko paniniwalaan ang mga salitang nabigo na sa akin? Simula no'n ay parehas na ang asin at asukal kaya hindi na ako nagtangkang tikman muli ang tamis. Ngunit lumitaw ka, ang lalaking malabo kong makatuluyan at ayokong makatuluyan; nagpumilit ka. Binigay mo ang panatang hirap kong tanggapin. Tinapon ko ito ngunit binalik mo pa rin sa akin. Kahit noong hawak ko na'y ayoko pa ring yakapin. Ngunit dahan-dahan mo itong pinatunayan hanggang sa ito na'y aking pinapaniwalaan. You fixed and dignified the promise that was once broken. Started: September 3, 2024 Ended: November 26, 2024
Dosage of Serotonin بقلم inksteady
inksteady
  • WpView
    مقروء 44,917,151
  • WpVote
    صوت 1,386,022
  • WpPart
    فصول 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.