yamperez_22
Sa sobrang tahimik ng paligid, tanging ang paggalaw lang ng kamay ng
orasan sa kwarto ang bumabasag sa katahimikan. Ito na rin ang gumigising kay
Tonton sa umaga kasabay ng liwanag mula sa bintana na dumadapo sa mukha nito.
Ako si Tonton, college student. As
usual, hirap bumangon. Lalo kapag ang dahilan ng pagbangon mo ay ang pagpasok
sa eskwela.
(Habang nagbibihis) Hindi naman ako
bobo, pero tanggap kong tamad lang talaga ako. Wala namang perpektong tao,
lahat nagkakamali. Oh tulad ko, umagang umaga pa lang nagkakamali na. (hindi pantay ang pagbutones ng uniform).
Sa hapagkainan:
(Si Denden kumakain ng almusal) Ayan
naman si Denden, napansin n’yo ba? Inuulit ulit lang ang palayaw namin. Ewan ko
ba sa nanay ko, pinoy na pinoy daw kasi pakinggan. 9 years old at bunso namin
ang batang ‘yan. Napakabait na bata n’yan,masunurin at masipag. ‘Wag na ‘wag mo
lang gagalawin ang pinaghirapan n’yang ayusing buhok.