momhienidadhie
- Reads 5,347
- Votes 207
- Parts 3
Maihahalintulad sa isang paraiso ang isla ng Bermuda. Ngunit ang lahat ng nagtangkang maglayag patungo rito ay nawala na parang isang bula. Ngunit di ito hadlang upang suungin ng mga tao. Habang parami ng parami ang nagkakamatay dahil sa kahirapan, parami din ng parami ang naghahangad na makapamuhay sa isla.
Malaki ang galit ni Lucio sa mga tao. Para sa kaniya ang mga tao ay likas na mga ganid, di makukuntento sa kung ano ang mayroon sila na siyang nagiging dahilan ng walang katapusang kaguluhan.
Tila di nga siya nagkamali nang dumaong ang bangka ng mga tao sa kaniyang paraiso. lalo lamang tumindi ang kaniyang galit dahil sa pag akin ng mga tao sa kanyang isla.
Gamit ang kaniyang kapangyarihan, unti unti niyang sinira ang paraisong kanyang himlayan. Sa tuwing lulubog ang araw ay nagbabago ang anyo ng isla. ang luntiang kapatagan, malawak na taniman, mga puno na nagsisipagtaasan ay natuyot hanggang sa nagkamatay na. ang dagat na dati ay hitik sa mga isda ay nagkulay abo na at napuno ng mababangis na hayop ang kagubatan.
Ang tanging naisip na solusyon ng mga tao na naninirahan sa Bermuda ay ang pagbibigay ng alay na siyang magpapahupa ng galit ng nilalang na nag mamay-ari ng isla.
Ngunit walang tinanggap ni isa sa mga alay si Lucio , hanggang dumating ang Dalagang si Elena.
©momhienidadhie