mystshade
Sa bawat panaginip ni Mirari, bumubukas ang lagusan patungo sa nakaraan-at kasabay ng pagbubunyag ng kanyang misteryosong kakayahan, isang lalaking naka-office suit ang lumilitaw: si Ashfer, ang modernong grim reaper na may tungkuling kolektahin ang mga kaluluwang pinaslang.
Ngunit sa hindi inaasahang pag-usbong ng kapangyarihan ni Mirari, nagkakagulo ang balanse-nakakatakas ang mga kaluluwa, nagdudulot ng kaguluhan sa mundo ng mga buhay. Si Mirari ang sinisisi, at para maituwid ang pagkakamali, handa siyang tahakin ang daang madilim at puno ng panganib upang tulungan si Ashfer... bago tuluyang lamunin ng galit at paghihiganti ang mga nilalang na dapat sana'y payapa na.