Standalone Stories
1 story
ABSTRACT SCHEME by ravenquincy
ravenquincy
  • WpView
    Reads 327
  • WpVote
    Votes 29
  • WpPart
    Parts 13
Limang lalaki na ang namamatay sa loob lamang ng isang buwan. Sa magkakaibang parte ng Cavite nangyari ang lahat at pare-parehas ang pagkamatay ng limang lalaki: laslas sa leeg at nakagapos ang mga paa't kamay sa poste habang may nakasabit na piraso ng karton kung saan nakalagay ang pangalan ng lalaki at may babalang "Huwag tularan kung hindi ay ikaw ang susunod.". Trabaho ni Calvin Perez ang hulihin kung sinuman ang nasa likod ng sunud-sunod na pagpatay na ito. Bilang pulis ay trabaho niyang panagutin sa batas ang mga lumalabag rito. Lalong tumindi ang pagnanais niyang mahuli ang salarin nang makarating sa kanya ang balita na ang huling biktima nito ay walang iba kundi ang kanyang ama. Isang linggo matapos mamatay ang kasintahan ay napagpasyahan ni Sasha Hernandez na ayusin ang sarili at gawin ang bagay na makapagpapatahimik sa kanyang kalooban: Ang hulihin ang pumatay sa kanyang nobyong si Blaire at tapusin ang buhay nito. Wala na siyang ibang paraan upang magawa ito kundi ang balikan ang nakaraang matagal na niyang ibinaon sa limot. Sa pagtatagpo ng kapalaran ng dalawa, kaninong misyon ang magtatagumpay?