yhin2x
Isang relasyong binuo nang maraming taon...
Iningatan at pinatibay ng pagmamahalang walang kapantay...
Saksi ang lahat sa tatag ng kanilang samahan.
Sina Aighyana at Yohanne, may iisang pangarap, ang bumuo nang masayang pamilya.
Sa pagpaplano nang magkasama ay tila mas tumibay ang kanilang samahan.
Paano kung subukin ang tiwala nila sa isa't isa. Isang pagkakamali na hahantong sa pagkasira ng binuong tiwala. Mapagtatagumpayan kaya nila? Subalit paano kung ang isa sa hindi inaasahang tao na malapit sa kanila pareho ang siyang maging dahilan nang pagkasira ng kanilang relasyon at ito ay dahil lang sa isang pagkakamali na pareho hindi nila naiwasan.
Uusbong ang galit na hahantong sa isang maling pasya, Isang pasya na magpapabago sa mga bagay na nakasanayan na nila. Ang pasya bang ito ay nakabuti o nakadagdag lang sa sama ng sitwasyon?
Ang labanan sa pagitan nang karapatan, sino ang karapat-dapat na magwagi? Ang nagmahal? Ang nasaktan? O ang nawalan?
Atin pong samahan ang kwento ng isang nagmahal, isang nasaktan at isang nawalan. Sino nga ba sa kanila ang mas may higit na karapatan na lumigaya.