thyne_e_j's Reading List
103 stories
Code Chasers by yoshiro_hoshi
yoshiro_hoshi
  • WpView
    Reads 90,450
  • WpVote
    Votes 6,878
  • WpPart
    Parts 92
Walang kamalay-malay si Fillan na taglay niya ang kapangyarihang magtatakda sa kapalaran ng buong sangkatauhan: Wawasak sa kasalukuyang mundo o lilikha ng panibago. Wala siyang alam tungkol sa kaya niyang gawin... Ni wala siyang anumang ala-ala tungkol sa kaniyang nakaraan... Patuloy siyang sinusundan ng kamalasan na nagtulak sa kaniya na mamuhay nang mag-isa at malayo sa sinuman... Pero magbabago ang lahat ng mag-krus ang landas nila ni Noah; isang Pinagpala na nakatira sa Agrivan at naging matalik niyang kaibigan. Maayos na sana ang lahat, hanggang sa pumasok sa eksena ang Kardinal na si Heimdall upang pigilan si Fillan na tuparin ang kaniyang tadhana: Ang LUMIKHA o Ang MAGWASAK Ang kapangyarihan ba niya'y isang PAGPAPALA? O isang SUMPA? Paano tatanggapin ni Fillan ang kaniyang kapalaran? At paano babaguhin ng kaniyang kapangyarihan ang lahat-lahat sa kaniya? Copyright © 2020 "Code Chasers" All rights reserved. By: Yoshiro Hoshi #GothicFantasy /Supernatural/ Adventure / Inspirational
Para kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin) by Lowiebrit
Lowiebrit
  • WpView
    Reads 9,339
  • WpVote
    Votes 48
  • WpPart
    Parts 4
Me qouta ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig ay isa lang ang magiging maligaya. Kasama ka ba sa quota?
The Untold Real Stories by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 219,993
  • WpVote
    Votes 6,378
  • WpPart
    Parts 31
Ang lahat ng pangyayari ay pawang tunay na karanasan ng totoong tao sa totoong lugar at pagkakataon. Ospital Karanasan ng isang ginang sa ospital matapos ng kanyang operasyon. Malik-mata Ano ang pangyayaring naganap sa kanyang asawa na nakita niya sa itaas ng bubungan? Yabag Paano maipapaliwanag ng inyong isipan ang naririnig at nararamdaman, lalo na kung malalaman ninyong narinig din pala ng iba? Terrace May bisita ka ba? Guni-guni bang matatawag kung dalawa kayong nakakita?
The Untold Real Stories 2 by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 185,998
  • WpVote
    Votes 6,460
  • WpPart
    Parts 39
Ang mga kwento na inyong matutunghayan ay base sa tunay na karanasan ng mga taong nasasangkot. Sama-sama nating buksan ang nakapinid na pintuan ng kanilang kasaysayan...... Espiritu Guni-guni o isang katotohanang mahirap ipaliwanag? Alamin ang kwento ni Miguel. Bintana Bunga ba ng mapaglarong imahinasyon, o isang pangitain na magaganap sa tamang panahon? Palengke Biro lamang, o isang babala? Paano kung maganap na ang hindi inaasahan? Pakiramdam May mga pangyayari ba na ikaw mismo ang nakaranas? Masasabi mo bang ito'y isang kalokohan lamang?
Hidden Agenda: Paibigin ka by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 76,628
  • WpVote
    Votes 3,912
  • WpPart
    Parts 47
Naisipan ni Gavin mamasyal. Sinakyan niya ang paboritong kabayong si Brutus, at saka pinitik sa puwitan. "Ya!" Kumaripas na si Brutus ugang libutin ang malawak na lupain ng Hacienda Hermosa. Nang makaramdam ng pagod, pinahinto niya ito at saka bumaba upang makaupo sa ilalim ng malagong puno. Naninibago pa ang kanyang katawang nasanay sa lungsod. Sa Maynila ay kotse ang pinatatakbo niya. Pahiga na siya nang marinig ang lagaslas ng tubig sa 'di kalayuan. Tumayo siya at sinundan ang pinanggagalingan ng tunog. Napanganga siya sa nakita... si Elena naliligo sa sapa! Nakatayo ang dalaga kaya kitang-kita sa manipis nitong kamison ang hubog ng katawan. Nakatapat ito sa umaagos na tubig na animo dyosa. Hindi niya naiwasang hagurin ng tingin ang kaakit-akit nitong itsura. Napanganga siya at agad napalunok. Nanuyo ang kanyang lalamunan nang masigurong... walang panloob si Elena!..
Kikay is da Name by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 78,236
  • WpVote
    Votes 4,629
  • WpPart
    Parts 41
Franchesca Miranda ang buo kong pangalan. Frankie ang naging palayaw ko nung nag-aaral ako sa high school, pero... sa school lang! Dahil kapag nasa amin na ako ay lumalagapak na Kikay ang tawag sa akin ng mga kapitbahay. Anak ako ng inay sa isang Griego na dati niyang amo nung nagtatrabaho siya bilang serbidora. Tipikal na istorya ng isang umibig at pagkatapos ay... nganga! Ang pakunswelo na lang ay artistahin ang fez ang papa ko kaya naman beauty ang lola mo! O, 'di ba purihin ang sarili. Shemay! Kng gusto mo pang alamin ang talambuhay ko... ay naku girli... ichi-chika ko sayo. Taralets! Adventure/romance-comedy
Panty Hunter by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 247,865
  • WpVote
    Votes 6,085
  • WpPart
    Parts 50
Magkakaibigan sina Miggy, Rudy, Odyll, Raddie, Meryll at Andy. Guwapo na ay matatangkad pa kaya kapag nagsama-sama ay 'di maiiwasang mapansin ng mga kababaihan. Ika nga ng marami... makalaglag panty talaga. At hindi maiiwasang mapasok sa katakut- takot na kalokohan. Tunghayan natin ang kanilang mga kapilyuhan este... pakikipagsapalaran. WARNING! SPG content. For adults ONLY, pero siguradong matatawa ka. Humor
Buhay ko man ay 'di sapat  by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 176,729
  • WpVote
    Votes 997
  • WpPart
    Parts 6
#WATTYS 2015 WINNER/Instant Addiction Habang nakatanaw sa matatalim na kidlat na nagsasalimbayan sa madilim na ulap, matuling nagbalik sa alaala ni Cristina ang nakaraan. Hindi na niya namalayan ang paglalandas ng luha sa magkabilang pisngi. "Inay, bakit nagagawa mo ito sa amin?'' bulong niya sa hangin. Ilang saglit pa ay unti-unti nang pumatak ang ulan. Nanatili siyang nakatingala at hinayaang palisin ng mumunting mga patak ang luhang humihilam sa kanyang mga mata. Napangiti siya. Sinasabayan ng langit ang kanyang pagtangis. Tila nais hugasan ang nagdurugo niyang damdamin. Maliliit pa ang dalawa niyang kapatid nang iwanan sila ng sariling ina. Tinalikuran at hindi nasilip man lamang. Siya ang nag-alaga at nagmistulang ina sa mga ito. Ang lolang magbobote ang kumupkop at nagpalaki sa kanila. Hanggang dumating ang isang tao na nagpabago ng lahat. Ang lalaking naging daan upang guminhawa ang kanilang pamumuhay. Isang araw, dumating ang kanilang ina at ang gusto ay makinabang sa kung ano mayro'n siya. Hindi niya ito natikis. Subalit hindi ito kuntento sa nakukuha at gumawa pa ng isang pagkakamali. General Fiction/ Drama Wattys2015 winner/ Instant Addiction Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Paglalakbay by ajeomma
ajeomma
  • WpView
    Reads 72,427
  • WpVote
    Votes 445
  • WpPart
    Parts 2
Bata pa lang si Adela ay mulat na siya sa pagiging ate sa tatlong nakababatang kapatid. Matalino siya at madiskarte sa buhay. Katuwang ng kanyang inang si Onor at matapang na tagapagtanggol ng mga kapatid. Sipag at tiyaga, pagtitiis at pagpupursigi, mga sangkap na gagamitin niya upang makamit ang mga pangarap na mismong ama ang naging sagabal. May pag-asa pa ba kung ang iresponsableng ama ang nagdudulot ng balakid at pagdurusa? Tunghayan po natin ang kuwento ng kanyang buhay, na maaaring kuwento rin ng iba sa atin. Maiyak, mangiti; masaktan, kiligin; bumagsak, bumangon; mabigo, magtagumpay at magpatuloy sa PAGLALAKBAY sa buhay. PAGLALAKBAY written by: ajeomma P.S. Ito po ang kauna-unahan kong kuwento nang unang araw na patuluyin ako ni Wattpad. Maraming-marami po itong mali pagdating sa teknikalidad na aspeto. Sa kabila niyan, nagpapasalamat po ako sa mga nagbasa at nagkomento ng maganda... At, magbabasa pa. :-)