Another Sad Love Story
Pakiramdam ko, ako ay mayroong isang sumpa. Sumpa na hindi ko kayang malabanan sapagkat napakalakas nito. Kahit na ilang ulit ko itong labanan, hindi ako manalo-nalo. At ang sumpang ito? Ito ay ang kabiguan sa pag-ibig. Bigo ako sa pinakauna kong pag-ibig. Pati ba naman sa pangalawa?