ever_fire's Reading List
22 stories
CAPOGIAN GRANDE SERIES 5: Bewitching Neil (PUBLISHED UNDER PHR) by yellowpencil
yellowpencil
  • WpView
    Reads 53,281
  • WpVote
    Votes 993
  • WpPart
    Parts 11
Kung ang mortal na kaaway ni Superman ay si Lex, ni Batman ay si Joker at ni Thor ay si Loki, si Nicario Leon Aragon naman ang masasabing pinakamortal na kaaway ni Alexandra Forest Yuhico. Simula pa 'ata na natuto silang magsalita at maglakad ay hindi na sila magkasundo. Asaran dito, trip-trip doon. Ganyan umikot ang buhay nila kahit na ang mga magulang nila ay matalik na magkakaibigan. Kaya naman nang sinabi ng mga magulang nila na ipinagkasundo sila na ipakasal sa isa't isa, 'sing tigas ng diamond ang pagtanggi ni Forest. Pero ang hindi niya inaasahan, ang unggoy na si Nicario ay walang kahirap-hirap na sumagot ng 'oo'. Tuloy, hindi niya maiwasang magtaka. Isang parte niya ang nagsasabi na baka sumang-ayon lang ito dahil hindi makatanggi sa mga magulang nila. Pero malaking parte ng pagkatao niya ang nagsasabi na kaya lang ito pumayag ay dahil gusto lang nitong makaganti sa kanya. Kaya naman nang malaman niya ang totoo mula rito, nawindang 'ata ang brain cells niya at biglang nag-alsa balutan dahil sa hindi inaasahang confession nito. Handa na sana siya siya. Tatanggapin na niya. Subalit may kapalit pala iyon na mas higit na nagpawindang sa nagulo niyang utak.
Diary Of A Heart Stealer COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 308,784
  • WpVote
    Votes 4,849
  • WpPart
    Parts 22
Diary Of A Heart Stealer By Dawn Igloria First encounter pa lang ni Gwen kay Paolo ay palpak na. Marami itong nabisto tungkol sa kanya: ang habit niya na makipag-usap sa sarili, ang singing voice niya na parang pinupunit na yero, ang plano niyang agawin ang secret love niyang si Lawrence, at ang grabeng pamimintas niya sa nililigawan nito. Malay ba niyang may isang cute na Paolo palang nakikinig sa solo concert at monologue niya? Mula noon ay inasar-asar siya nito. Baka raw isumpa siya ng singer ng kantang pinipilit niyang ibirit. Maluwag daw ang turnilyo niya at maghahanap daw ito ng vise grip para higpitan iyon. Asar na asar siya rito pero mas nanaig ang pagkakaroon niya ng crush dito. Ang kaso ay bigla itong nawala na parang bula. Five years later, muli silang nagkita. Nabuhay uli ang atraksiyon niya rito. Ang kaso ay ikakasal na ito sa iba. Kailangan niyang makaisip ng paraan para maagaw ito. Magpaagaw naman kaya ito?
Must Read Erotic Stories (18+) by Yeolja
Yeolja
  • WpView
    Reads 793,355
  • WpVote
    Votes 1,495
  • WpPart
    Parts 27
WARNING!!! PLUGGING MATURE|SPG|R-18|NEW ADULT NOVELS Lahat ng mga recommended stories dito ay SPG. Hindi ibig sabihin na lahat ng stories na nandito magugustuhan niyo na agad. And for those who are fans of erotic stories here in wattpad, i'm sure magugustuhan nyo ito. Feel free to browse and for those who are under 18 years old and below just a fair warning na lahat ng mga stories dito ay nakatatak SPG at hindi pwede sa mga 18 years below. Pero kung mapilit ka at gusto mong magbasa ,aba go lang. Just be OPEN MINDED.
I Couldn't Ask For More by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 203,478
  • WpVote
    Votes 4,739
  • WpPart
    Parts 14
published under PHR 2012 (Modified version) Natanim sa isip ni Daphne ang hula sa kanilang mag-ina noong bata pa siya. Bakit ba hindi, eh lagi na lamang siyang dinadalaw ng isang lalaking walang mukha sa mga panaginip. Kaya nga naging mission niya ang paghahanap sa lalaking iyon na karapat-dapat daw niyang mahalin. "Hindi ako magbo-boyfriend hanggang hindi ko natatagpuan ang soul mate ko na sinasabi ng manghuhula," determinadong sabi niya sa bff niya. "Ano pa ang sinabi ng manghuhula na signs tungkol sa soul mate mo? Na kalbo siya? Iyon lang? Hindi ba kasama ang guwapo, macho at matalino? Baka-sakali namang pumuntos ako." Napatingin sila sa pinagmulan ng tinig. Holy Crow! Ang bully, pero macho-guwapito, na neighbor! Siguradong hindi na ito titigil sa pang-aasar sa kanya. "Ano ba talaga ang inaayawan mo sa akin? Kung magpapa-shave ba ako ng buhok ay papasa na ako sa panlasa mo?" Well... sa mga titig pa lamang ng binata ay nawawala na siya sa tamang huwisyo. Pero paano ba niya ipagkakatiwala ang puso dito, kung left and right ang syota nito? Reading Order: Book 1: I Couldn't Ask For More Book 2: Fall All Over Again Book 3: My Sweet Misery Book 4: Creepy Little Thing Called Love "Huwag kang magpapadala sa emosyon, iyan ang magdudulot sa 'yo ng kapahamakan," tinig ng manghuhula. Alin nga ba ang mas malaking kalokohan... ang magpaniwala sa isang hula, o ang magmahal ng maling lalaki at maging kawawa?
Fall All Over Again by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 339,293
  • WpVote
    Votes 7,591
  • WpPart
    Parts 23
published under PHR 2013 (Modified version) Why did I kiss you? Dahil gusto ko... Because I'm dying to kiss you every time I see you. Batang paslit ka pa lamang ay pinapangarap ko na ang mga labing iyan. Look how lucky can I get." 💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓 "Crush kita. Hihintayin kong lumaki ka at liligawan kita, promise 'yan." Paslit pa lamang si Timmy nang unang bitawan ni Third ang mga salitang iyan. Sa paglipas pa ng taon ay muli nitong inungkat ang pangako. "'Mula ngayon ay opisyal na girlpren na kita, kaya huwag ka ng magpapaligaw sa iba," pilyong sabi nito. "Puwede ko bang halikan ang girlpren ko?" "Sira ka ba?" Napamulagat siya nang todo sa request nito. "Ako ang unang boypren mo, kaya dapat ako din ang first kiss mo. Una at huli..." Bago sila naghiwalay ng lalaki ay ninakawan siya nito ng halik sa mga labi. "Hindi mo na talaga ako makakalimutan niyan, Timmy. Hanggang sa muli nating pagkikita..." Pero hindi na sila muling nagkita pa. Ang pangako nito ay nabaon sa limot. Paano nga ba panghahawakan ang isang pangako ng kabataan? Paglipas ng maraming taon ay muling nagkrus ang landas ng dalawa. Ang dating cute na Third noon ay isa nang macho at guwapong anak ni Adonis ngayon. Hindi pa niya limot ang hinanakit sa kababata, at ang masaklap ay hindi pa rin lipas ang kahibangan niya dito. "I always keep my word, Timmy. I always do." Huh! Ito pa ang may ganang magsabi ng gano'n? Pero sadya yatang hindi sila para sa isa't-isa dahil muli silang pinaghiwalay ng tadhana. And this time, hindi lamang isang baldeng luha ang idinulot nito sa kanya, tinangay pa nito ang lahat- ang kanyang isip, puso at buong pagkatao. Reading Order: Book 1: I Couldn't Ask For More Book 2: Fall All Over Again Book 3: My Sweet Misery Book 4: Creepy Little Thing Called Love
Creepy Little Thing Called Love (Revised Version) by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 263,478
  • WpVote
    Votes 6,056
  • WpPart
    Parts 21
Published under PHR 2013 Marcus Silvestre: ▪successful businessman ▪the most elusive bachelor in town ▪womanizer ▪allergic to women with huge emotional baggage "No more nightlife and late night booty calls? Stick to only one woman? Curfews, text messages and phone calls all throughout the day? All of that, and a nagging girlfriend... seriously? 'Di na! Ibahin n'yo ko, mga 'tol. Hindi ako tinatablan ng love bug na dumale sa inyo." Ivory Almirante: ▪alluring beauty ▪smokin' hot body ▪vulnerable ▪brokenhearted ▪allergic to good-looking men "Hindi na ako magkakagusto ulit sa guwapo at macho, wala akong mapapala kundi sakit ng ulo." Higit tatlong taon na ang nakaraan nang unang magkrus ang landas nina Marcus at Ivory. Bangag ang dalaga noon, at napagkamalan ito ng binata na bayarang babae. Ngayon ay muling pinagtagpo ang dalawa ng tadhana. Pareho silang may pinaninindigan, pero pareho din namang tinatablan. Hanggang kailan kaya nila matatagalan ang pagsubok ng tadhana sa kanilang katatagan? Reading Order: Book 1: I Couldn't Ask For More Book 2: Fall All Over Again Book 3: My Sweet Misery Book 4: Creepy Little Thing Called Love
My Sweet Misery by dwayneizzobellePHR
dwayneizzobellePHR
  • WpView
    Reads 352,952
  • WpVote
    Votes 9,143
  • WpPart
    Parts 23
published under PHR 2013 (Modified version) "I need you. You're the only thing that keeps me sane, the only thing that keeps me going, and the only person who can make me whole again." 💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞💞 Aso't pusa, iyon sina Ethan at Jessica. Pero sa totoo lang ay mahalaga ang binata kay Jessica dahil best friend ito ng kuya niya. Minsan ay inabutan niya si Ethan na iniinsulto ng mortal nitong kalaban. She had to do something, or else ay ramble na naman ang kasunod nito. Mabilis niyang nilapitan ang binata at ikinawit ang mga braso sa beywang nito. "There you are, babe! Kanina pa kita hinahanap." Natigilan si Ethan at tinapunan siya ng are-you-crazy-stare. Nang sila na lang dalawa ay sinita siya nito. "You know, I go to parties to pick up a one-night stand. And since tonight you labeled me, staying here would be useless. Pangatawanan mo na girlfriend kita. You're coming home with me." Nanlaki ang mga mata ni Jessica. Wala sa sariling iniyakap niya ang mga braso sa dibdib. Sumunod ang mga mata ni Ethan sa bagay na pinoprotektahan niya. Pumalatak ito at umiling. "Do you really think na pagnanasaan ko ang mga bubot na papaya?" Ang hinayupak! Kahit kailan ay peste talaga ang lalaking ito sa buhay niya. 💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓💓 Reading Order: Book 1: I Couldn't Ask For More Book 2: Fall All Over Again Book 3: My Sweet Misery Book 4: Creepy Little Thing Called Love
Coron, Iisa lang Ang Puso Ko (UNEDITED)(COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 548,604
  • WpVote
    Votes 15,102
  • WpPart
    Parts 58
Isang tatsulok na pag-ibig. Dalawang lalaking parehong umiibig sa isang babae at walang nais magparaya. Ang sabi ni Shane: "Ako ang mahal ni Caroline! Bakit gusto mong magpakasal sa isang babaeng ibang lalaki ang mahal?" "Si Caroline ang mahal ko. Ang iniibig ko. I have never loved a woman as much as I loved her. At ipaglalaban ko ang pag-ibig ko sa kanya. Morally or otherwise..." sagot naman ni Matt. Caroline loves one man and will marry another. Hindi niya iniibig sa tunay na kahulugan ng salita si Matt. Subalit minamahal, hinahangaan, at iginagalang niya ito. Naroon ito sa panahong sinaktan siya ni Shane. Iisa lang ang kanyang puso at naibigay na niya iyon kay Shane. Subalit umaasa siyang mababawi pa niya ang puso mula kay Shane at maibigay kay Matt sa takdang-panahon.
My Love My Hero, Montañez (UNEDITED) (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 873,148
  • WpVote
    Votes 23,384
  • WpPart
    Parts 42
Mula nang palisin ni Flavio Guillermo sa balat ng lupa ang pamilya Montañez ay namatay na rin ang anumang damdamin mayroon si Luke. For almost five years, he refused to feel anything. Until one stormy night. Hindi napigil ni Luke ang sariling tulungan ang babaeng namatayan ng baterya ang kotse sa gitna ng ilang at bumabagyo-only to be shocked by the intense pull he felt when their skin touched. Something long dormant stirred deep inside him. Tulad ng pinsang si Kiel, marahil ay may pag-asa pang maging maligaya uli si Luke. That is, if he could keep her alive from her stalker.
The Farmer And The Heiress by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,223,672
  • WpVote
    Votes 31,295
  • WpPart
    Parts 30
Elleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and raised in London. Pag-aari ng mga magulang niya ang pinakamalaking plantasyon ng mais at tubo sa Ilocos Region na minsan lang niyang nakita noong mag-aanim na taong gulang siya. Pero biglang mababago ang lahat dahil sa iniwang sulat ng kanyang yumaong ina. Hiniling nito na sa pagtuntong ni Elleana ng veinticinco, pupunta siya sa Ilocos upang pangasiwaan ang hacienda. Doon ay nakilala niya si Felipe, ang lalaking "antipatiko" ang middle name at mas marami pa yatang irritating cells na dumadaloy sa katawan kaysa sa red blood cells! Ngunit taglay nito ang pinakamagandang mga mata na nakita niya at malilinis na kuko sa mga paa sa kabila ng pagiging isang magsasaka. At ayon pa sa lalaki, ito ang pinakaguwapo at pinakamakisig sa mga lalaking nakilala na niya. Kaya bang makipagsabayan ng kanyang British accent sa lalaking ang vocabulary ay naglalaro lang sa tinuran, sakbibi, nababatid, and the likes?