olenfrigus
Naranasan mo na bang pagmasdan ang mga kaibigan mo habang tumatawa, walang pakialam kahit kita na ang ngala-ngala, kumakain, na akala mo mga pataygutom dahil sa dami at bilis ng pagkain nila o kaya habang nag-uusap, na minsan wala ng kwenta yung topic pero pagdidebatehan pa nila, tapos bigla mo nalang tatanungin ang sarili ng 'Ganito ba talaga ang mga kaibigan ko?'. Minsan, mapapa-isip ka na lang kung paano mo ba sila naging kaibigan o paano ka napasama sa grupo nila. Subukan mo kayang alalahanin lahat ng mga ginagawa mo tuwing kasama mo sila. Kung tumawa ka ba, kita ba ngala-ngala mo? Kung kumain kayo, katulad mo rin ba sila na parang baboy kumain, o kaya naman ay nakikipagdebate ka rin sa tinuturing mong mga walang kwentang usapan ng barkada? Isipin mong mabuti. Sa grupo ng pagkakaibigan ninyo o barkada, hindi maikakaila na meron kayong pagkakaiba, pero aminin mo, may mga bagay, kahit isa lang, maliit o malaki, kung saan kayo nagkakapare-parehas at nagkakasundo. At yung bagay na yun ang naging dahilan kung bakit mo sila naging kaibigan. At iyan ang na-realize ni Rhian matapos ang ilang linggong pag-iisip kung bakit. . .kung bakit nga ba niya sila naging kaibigan.