Sir Ai_Tenshi's work (toplist)
28 stories
My Plus Size Lover (BXB 2020) by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 86,350
  • WpVote
    Votes 1,464
  • WpPart
    Parts 10
"Kailangan nating tanggapin na tayong mga tao ay may limitasyon rin. Ang Diyos lamang ang may kakayahang gawin ang lahat ng bagay." Ang kwentong "My Plus Size Lover" ang aking BXB Cover ng sikat ng Korean Movie na 200 Pounds Beauty. Ito ay tungkol sa isang matabang lalaki na palihim humahanga at nag mamahal ng walang kapalit.
The Handsome Flower BXB 2020 by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 1,067,466
  • WpVote
    Votes 63,619
  • WpPart
    Parts 118
Gusto mo bang makatanggap ng RED CARD? Ang kwento ito ay BXB version ng sikat na Asianovelang Meteor Garden.
Ang Paraiso ni Irano (BXB FANTASY 2019) by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 208,131
  • WpVote
    Votes 1,442
  • WpPart
    Parts 8
Ang kwentong ito ay ang ikalimang "Super Hero" na aking nilikha mula sa iisang direksyon. Ang "Ang Paraiso ni Irano" ay isang BXB fantasy genre na nakahanay sa iba pang naunang bayani na aking ginawa katulad nina Kuya Jorel (My Super Kuya 2015), Narding/Super Nardo (Ang Tadhana ni Narding 2016), Ace (Ace 2016) at Nai (Super Panget 2017).
Facets (BXB Fantasy Collection) by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 131,364
  • WpVote
    Votes 7,463
  • WpPart
    Parts 49
Tatanggapin mo ba ang kaligayahan na iyon kahit alam mong ito ay may limitasyon? O, mas pipiliin mo na lamang ang mabuhay sa mundong hindi perpekto at purong sakit ang naidudulot nito?
The Last Pogi (BXB 2019) by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 419,741
  • WpVote
    Votes 16,813
  • WpPart
    Parts 40
At ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Raval "Gomer" ang tinaguriang "The Last Pogi". Siya pinaka bagong tauhan na tiyak na hahangaan at mamahalin ninyo kaya naman samahan natin siya sa kanyang pag lalakad sa Compound ng Sitio Bagong Buhay, Bagong Pag Asa Street at dito ay papatunayan niya na "huli man raw at magaling ay naihahabol rin."
Ang Tadhana ni Narding BOOK 2 (BXB Fantasy 2018) by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 112,763
  • WpVote
    Votes 1,084
  • WpPart
    Parts 9
Muli nating samahan si Narding sa kanyang pag lipad patungo sa hamon ng mapag larong tadhana. Kasabay ng muli pag bubukas ng kanyang aklat ay ang pag sibol rin ng mga bagong pag subok at bagong kalaban na hahatol sa kanyang katatagan. Hawakan mo ang bato.. At isabog mo ang apoy ng pag asa sa buong sanlibutan.
The Soldier & I BOOK 2 (BXB 2018) by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 98,045
  • WpVote
    Votes 963
  • WpPart
    Parts 8
Dahil nangako ako sa inyo ay nag lakas loob akong muling buksan ang kwento nina Adel at Bryan Turalba. Alam ko naman na kahit papaano ay minahal nyo silang dalawa, kasama nila kayong tumawa, umiyak at nasaktan. At ngayon ay nais kong samahan nyo ulit sila sa isang misyong mag dadala sa inyo sa iba't ibang uri ng sitwasyon sa buhay na tiyak kapupulutan ng aral at inspirasyon.
Ako at si Prinsipe Yago BOOK 2 (2018) by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 128,067
  • WpVote
    Votes 1,353
  • WpPart
    Parts 8
Makalipas ang apat na tao ay muli kong bubuksan ang libro nina Yago at Ned upang ituloy ang kanilang kwento. Maaaring hindi ito ganoon ka kaperpekto ngunit siguro naman ako na mag bibigay ito ng mahalagang aral at inspirasyon sa inyong lahat. Sa librong ito makikita ninyo ang pag kakaiba ni Ai Tenshi noong 2014 at ngayong 2018.
Both Sides (BXB 2018) by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 99,549
  • WpVote
    Votes 4,593
  • WpPart
    Parts 26
Base sa Korean BL na Night Flight Minsan ay kinakailangan mong lumakad sa bawat sulok sa buhay upang masabing ganap kang tao. Kinakailangan mong matalo upang manalo, maging mahina upang maging malakas, malungkot upang maging masaya. Ang konsepto ng "Both Sides" ay sumasalamin sa bawat sulok ng ating buhay, tungkol sa reyalidad at kung anong uri ng pag mamahal ang naka himlay sa bawat bahagi na ating ginagalawan. Ang bawat tauhan sa kwentong ito ay kumakatawan sa kung anong uri ng tao ang mayroon sa ating paligid, mga taong nag babaka sakaling mahalin at makahanap ng pag mamahal. Mga taong nag pupumilit lumaban kahit natatalo paminsan minsan. Mga taong matapang, takot, mahina at malakas. Samahan natin si Juno sa kanyang pag lakad sa mag kabilang sulok ng buhay. Tiyak na mag bibigay siya ng aral at inspirasyon sa ating lahat. Sa huli ng kwentong ito ay inaasahan na mas lalawak ang papanaw ninyo tungkol sa ating mga sarili at ganoon rin sa ibang tao.
Super Panget (BXB 2018) by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 197,261
  • WpVote
    Votes 10,506
  • WpPart
    Parts 58
Noong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang nakatanaw sa dako pa roon, hindi lang tayo ang nabubuhay sa iisang kalawakan. Ang aking paningin ay katumbas ng pinaka makapangyarihang teleskopyo sa mundo. Ang aking kamao ay kasing tatag ng pinaka matibay na mineral sa lupa at ang aking mukha... ang aking mukha... huwag na natin itong pag usapan pa...