Ms Jasmine Esperanza
8 stories
Class Picture Series 6 - The Spoiled Brat and The Bad Boy by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 38,163
  • WpVote
    Votes 1,075
  • WpPart
    Parts 17
"Ang hirap sa iyo, Rustico, ayaw mo pang umamin. May gusto ka rin naman sa akin, nagpapakipot ka pa!" Masuwerte si Bianca sa buhay. Nakukuha niya ang lahat ng gusto. Sa pag-attend niya sa reunion ng klase nila noong high school ay nagulat siya sa pagbabago ng karamihan sa kanyang mga kaklase. Pero higit na nagulat si Bianca nang makita si Rusty-ang tinaguriang bad boy ng batch nila. Ibang-iba na ito ngayon-pormal, maginoo, at isa nang matagumpay na doktor. Napukaw ni Rusty ang kanyang interes... at puso. She knew right at that moment he was the one for her. At hindi titigil si Bianca hangga't hindi "napapasagot" si Rusty, kesehodang siya pa ang manligaw! Forever And Always "Sabi ko sa sarili ko, hindi sapat na ibigay sa iyo ang tatlong tangkay ng rosas o kahit isang dosena pa. You deserve more. Maybe these flowers will compensate all the things we missed." Dahil sa isang pangyayari kinagabihan ng high school graduation nina Princess Grace at Lyndon, napilitan silang sumang-ayon na lang sa kanilang mga magulang nang magdesisyon ang mga ito na ipakasal sila. Sure she loved Lyndon. And she had always dreamt of sharing the rest of her life with him. Pero pareho nilang alam na napakabata pa nila para mag-asawa. At pareho rin silang may mga pangarap na gusto pang tuparin. Nahiling ni Princess Grace na sana sa pagdaan ng panahon ay makayanan ng pag-ibig nila ni Lyndon sa isa't isa ang lahat ng pagsubok na alam niyang haharapin pa nila...
Class Picture Series 4 - January For August by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 39,779
  • WpVote
    Votes 1,442
  • WpPart
    Parts 19
"Alisin mo sa isip mo na kaya lang ako nakipaglapit ay para makuha ang gusto ko sa iyo. Hindi pampisikal lang ang hangad ko. I love you so much. I want to share the rest of my life with you." Nakilala ni January si August nang um-attend siya sa reunion ng klase nila noong high school. Hindi niya inasahang ang binata ang magiging daan para matupad ang pangarap niya na maging isang singer. August was one hell of a handsome guy. Napakabait din. At hindi maikakaila ang attraction nila sa isa't isa. Ganoon na lang ang kasiyahang naramdaman ni January nang sa wakas ay magtapat si August ng pag-ibig sa kanya. Akala niya, hindi magkakaroon ng gusot sa kanilang relasyon. Hanggang sa sumulpot ang isang babae na nagsasabing paglalaruan lang siya ni August.
Class Pictures Series 1 - My Lover, My Best Friend by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 171,796
  • WpVote
    Votes 4,813
  • WpPart
    Parts 32
Mula noon hanggang ngayon, palagi nang nagsisilbing anghel sa buhay niya si Amor. At hindi niya inakalang sa kabila ng mga taong lumipas ay makakagawa pa rin ito ng bagay na maglalayo sa kanya sa kapahamakan. Nakipagkita si Amor kay Joel para magpatulong sa binabalak niyang class reunion para sa batch nila noong high school. Pero may hihingin din pala itong pabor sa kanya. Humingi si Joel ng tulong para maitaboy ang babaeng habol nang habol dito. Well, she could do that. Basta ba tutulungan siya nitong ayusin ang reunion nila. Pero imbes na ang reunion ang asikasuhin nila, nauwi iyon sa komplikadong sitwasyon. Sa pagtataboy nila sa babaeng ayaw tantanan si Joel ay nahuli sila ng pamilya nila sa isang napaka-intimate na sitwasyon. At buong bayan yata ang nakaalam niyon! Siguradong kapag kinompronta sila ng kanya-kanyang pamilya, isa-suggest ng mga ito na magpakasal sila. Ano ang gagawin nila? Magagawa ba ni Amor na tumangging magpakasal kay Joel? After all, she had been loving him all her life.
Class Pictures Series 3 - High School Flame by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 58,377
  • WpVote
    Votes 1,900
  • WpPart
    Parts 16
"Masisisi mo ba ako kung ngayong nagkita uli tayo, ayoko nang maghintay pa ng matagal na panahon para tuluyan ka nang maging akin?" Walang hindi nakakaalam sa pagmamahalan nina Joanna Marie at Lemuel noong high school. Pero dahil sa mga hindi nila kontroladong pangyayari ay nagkahiwalay sila. Sa loob ng mahigit isang dekada, hindi alam ni Joanna Marie kung naaalala pa rin ba siya ni Lemuel kahit paano. Dahil kung siya ang tatanungin, hindi nakalimot ang puso niya. Patuloy niya itong minamahal. At ngayong dumating ang pagkakataon na muli silang magkakaharap, madudugtungan kaya ang pag-ibig nila sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari noon?
LA CASA DE AMOR - CLAUDIO by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 40,797
  • WpVote
    Votes 1,695
  • WpPart
    Parts 21
"I guess, I have to make you fall in love with me again. Ako nang bahala dun. Just wait and see, okay? Basta magigising ka na lang, in love ka na sa akin." ***** "Hindi ba niya ibinilin sa iyo ni Papa na pakasalan ako?" tanong ni Celine. "What?!" react ni Claudio na parang nabilaukan. "Insulto na iyan, Dio! Nagkagusto ka rin naman sa akin." "Correction. I fell in love with you. Pero lilinawin ko lang, past tense na iyon, okay? We broke up. Madami ka nang ipinalit sa akin. Madami na rin akong ipinalit sa iyo." "Gusto ni Papa na magpakasal ako sa iyo." "Talaga? Wow! Ang laki ng tiwala sa akin ni Tito Carling. Magpapakasal ka ba naman sa akin?" balik na tanong niya. Pinamanahan si Claudio ng best friend ng kanyang ama subalit may kondisyon. Ang pakasalan ang kaisa-isang anak nitong si Celine, his ex-girlfriend. Easy. May bahay at lupa na siya, may asawa pa siyang ubod ng ganda. What a beautiful life... Published by Precious Pages Corporation
LA CASA DE AMOR - NATHANIEL by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 38,332
  • WpVote
    Votes 1,629
  • WpPart
    Parts 20
"Hindi ako mahilig mag-aksaya ng panahon. Gusto kong sabihin ko na sa iyo ang talagang pakay ko. I want to marry you, Hannah..." Ilang araw na siya sa bahay na iyon sa San Miguel. Dati-rati, ang mga alaala nila ng taong nag-ampon sa kanya ang naiisp niya pero ngayon, okupadong-okupado ni Hannah ang buong isip niya. Nagkatagpo sila si Hannah sa isang sitwasyong hindi niya inaasahan. Pero ang sitwasyong ding iyon ang nagbigay sa kanya ng isang karanasang titimo sa kanyang isip sa habang panahon. Hindi iilang beses na naisip niyang balikan ito. Ayaw din niyang matukso na tawagan si Hannah. Napakadali kung gusto niya itong kumustahin kahit sa telepono man lang. Pero hindi nga niya ginawa. Hangga't maaari ay umiiwas siya sa mga kumplikadong bagay. At alam niya, si Hannah sa simula pa lang ay isa nang malaking kumplikasyon. Published by Precious Pages Corporation
Places & Souvenirs - Ilocos Trilogy by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 25,168
  • WpVote
    Votes 1,532
  • WpPart
    Parts 42
Book 1 - Cherilu - Something New In My Life Book 2 - Sandra - Tomorrow You'll Be Mine Book 3 - Jessica - No Flirtation, No Motives
LA CASA DE AMOR - HECTOR by JasmineEsperanzaPHR
JasmineEsperanzaPHR
  • WpView
    Reads 48,393
  • WpVote
    Votes 2,165
  • WpPart
    Parts 42
Mahal na mahal nina Hector at Gemma ang isa't isa. Iyon nga lang, hadlang ang mama ni Gemma. Ayaw nito sa kanya dahil ang gusto nito para sa dalaga ay ay isang lalaking kapantay nito ang estado ng buhay. Mayaman, sa madali't sabi. At dahil naging constant sight na sa tabi ni Gemma si Greg-ang lalaking gusto ng mama nito para dito, nagpasya siyang gawin ang karaniwang ginagawa ng mga kabataang sinisiil. Nagtanan sila. Subalit binawi din si Gemma ng mama nito. Wala siyang nagawa. Twelve years later, nagkita silang muli. At sinalubong siya ng mga mata ni Gemma na puno ng poot. Gemma Mauricio-his first and only love, his first and forever heartache... Wala na kayang second chance ang pag-ibig nila? ***** Is love really lovelier the second time around? Iyon ang gustong paniwalaan ni Gemma. Pagkatapos ng muling pagtatagpo ng landas nila ni Hector at paghupa ng galit ay natuklasan niyang mahal pa rin niya ito. Siguro ay iyon na ang pagkakataon niyang lumigaya. Pero natuklasan niyang nakatakda na palang ikasal si Hector sa iba. Masasaktan na naman kaya siyang muli? Published by Precious Pages Corporation