francelouzl's Reading List
40 stories
She Loves Me More by Sweetmagnolia
Sweetmagnolia
  • WpView
    Reads 4,599,776
  • WpVote
    Votes 132,399
  • WpPart
    Parts 52
"Loving is not turning your woman into someone else because from the start you fall for who and what she really is." The story of Lance Oliver Perez new found love. A sequel to LOVE ME TOO.
STRANGER'S KISS (PARTY OF DESTINY) by iamcranberry
iamcranberry
  • WpView
    Reads 158,797
  • WpVote
    Votes 5,407
  • WpPart
    Parts 39
STATUS: COMPLETED 💞💞💞 Binalak na akitin ni Araceli ang kaibigang si Domeng dahil napagtanto ng dalaga na kung hindi siya kikilos ay hindi siya mapapansin ng binata. Isinagawa ni Araceli ang plano sa "Party of Destiny" na dadaluhan ni Domeng. And the game "Kiss of Destiny" was the perfect time to catch his attention. She immediately grabbed him and kissed him. She succeeded and ended up spending the night with him. Only to find the next morning that the man she spent the night with was a complete stranger! Domeng din ang pangalan ng lalaki. At kahit na mas guwapo, ibang tao pa rin ito. Mukhang nagkadaletse-letse ang plano ni Araceli dahil sa similarity ng pangalan ng dalawang lalaki, sa maskarang suot nito at tama ng alcohol sa kanya ng nagdaang gabi. Umalis si Araceli at naniniwalang hindi na muli pang magkikita ang estrangherong si Domeng. Pero nagbiro ang tadhana dahil nagkrus ang mga landas nila sa hospital na pinapasukan niya. He said it was destiny. She said it was stupid and she didn't believe it...
Car Wash Boys Series 12: John Michael Lombredas by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 120,812
  • WpVote
    Votes 2,408
  • WpPart
    Parts 21
I'm not an expert in talking about matters of the heart, all I know right now is I'm in love with you. Do I still need to explain that? Or will I just kiss you to prove it? Teaser: Isang simpleng tindera sa tiangge si Ged. Ang pangarap niya ay yumaman para guminhawa ang kanyang buhay. Hanggang sa makilala niya si John Michael Lombredas, ito ang naging daan sa biglang pagbabago ng kanyang buhay. At sa bawat araw na lumipas na nakakasama niya ito, naging malapit siya dito. Natagpuan niya ang sarili na umiibig sa estrangherong biglang sumulpot sa buhay niya. Siya na yata ang pinakamasayang babae ng magpahayag ito ng parehong damdamin at hindi nagtagal ay magpakasal silang dalawa. Ngunit isang lihim ang tumambad sa kanya na siyang kinasira ng pagtitiwala niya sa kanyang asawa. Dahil sa sakit na dulot ng pangyayari, mas ninais niyang tumakbo at lumayo dito, na siyang naging dahilan upang maaksidente siya at mawalan ng malay. Sa kanyang paggising, ganoon na lang ang takot na naramdaman niya ng wala siyang matandaan sa kanyang nakaraan. Sino siya? Sino ang lalaking nasa larawan kasama niya?
When Fools Rush In (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 688,944
  • WpVote
    Votes 16,517
  • WpPart
    Parts 23
"Life is a gamble, Bianca. And this is one gamble I have no intension of losing..." Bianca was living a wonderful life. May sarili siyang negosyo, may mga kaibigan, and a loving mother. Wala na siyang mahihiling pa. Kahit pa ipinagpipilitan ng mommy niya na malapit na siyang maging old maid at dapat nang mag-asawa ay hindi siya nababahala. Until Gregorio. Nagising siyang katabi ito sa kamang hindi sa kanya. At pareho silang walang maalala kung paano sila nakarating doon. At kung paanong sa loob lang ng isang gabi ay mag-asawa na sila. Hindi siya ang uri ng babae na magpapakasal sa isang estranghero. Ngunit dahil sa tila makatwirang argumento ni Greg, napapayag siyang bigyan ng tsansa ang di-inaasahang kasal. Magtagumpay kaya ang pagsasamang walang matibay na pundasyon?
MIDNIGHT KISS by ZindyRivera
ZindyRivera
  • WpView
    Reads 65,902
  • WpVote
    Votes 1,331
  • WpPart
    Parts 10
"Hindi ko maaaring pilitin ang puso kong magmahal ng iba. I can only love once, at ikaw lang iyon..." Pagkatapos saktan ni Max ay sinabi ni Sabrina sa sarili na kalilimutan na niya ang lalaki. Ngunit nagbalik si Max sa buhay niya. Sa pagbabalik ng lalaki ay muli nitong binuhay ang pagmamahal na akala niya ay wala na. Muli nitong ginulo ang nananahimik niyang buhay. Kaya kahit mahirap na magiging amo pa niya si Max ay umakto siyang bale-wala lang sa kanya ang lahat. Ngunit mahirap nga yata talagang pigilan ang pagmamahal sa isang tao. Napatunayan iyon ni Sabrina dahil sa pangalawang pagkakataon ay tuluyan na siyang nahulog sa karisma ni Max. Isang halik lang ang nagpatunay na hindi niya kayang mawala ang lalaki. Hindi siya nangiming ibigay ang sarili kay Max dahil naramdaman niyang pareho sila ng damdamin. Pero hindi pa man umaamin si Sabrina kay Max sa nararamdaman ay naging malinaw na sa kanya na masasaktan lang siya sa huli. Dahil sa pangalawang pagkakataon ay sinaktan uli siya ng lalaki. Nalaman kasi niyang ikakasal na si Max kay Lyra, ang babaeng sumira sa relasyon nila noon ng binata.
A Bittersweet Revenge by LianZobel
LianZobel
  • WpView
    Reads 60,926
  • WpVote
    Votes 1,080
  • WpPart
    Parts 26
Book 2 of Ang Pilyo Kong Gitarista
Mystic (COMPLETED) (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 924,195
  • WpVote
    Votes 22,446
  • WpPart
    Parts 34
Mavis met an accident on her way to Bangui, a town in Ilocos Norte. Ang nakapagtataka ay wala siyang maalala sa mismong aksidente, bago man o pagkatapos niyon. Subalit ang isip niya ay okupado ng mga pangitain na hindi kanya--ng isang babaeng nagdadalang-tao at sugatan sa dibdib at ng isang lalaking binubuhat ito at dinala sa ospital na siya ring pinagdalhan sa kanya noong panahong naaksidente siya. Limang taon ang nakalipas, nagbalik siya sa lugar na pinangyarihan ng aksidente niya. Then she met the gorgeous Rolf Montilla. And the moment she set eyes on him, she felt a certain attachment and longing--the kind of longing that made her want to weep, that somehow they'd met already. May kinalaman ba si Rolf sa mga nangyayari sa kanya?
Ikaw Hanggang Ngayon Ang Pangarap by CFVicente
CFVicente
  • WpView
    Reads 83,149
  • WpVote
    Votes 1,935
  • WpPart
    Parts 55
Malaki ang problema ni Madi-"Madeline Puerto" sa kanyang fans at bashers sa mundo ng showbiz, "Magdalena Purisima" sa mga nakakakilala sa kanya noong kulay-uling pa ang kanyang balat-at mas malala pa iyon kaysa sa pagkasangkot sa isang panibagong scandal. Engaged na ang kanyang best friend at tanging lalaking idinambana sa kanyang puso mula pa noong high school. Pakiramdam ni Madi ay gumuho ang kanyang mundo. Nasa gitna siya ng matinding kalungkutan nang muling umentra sa kanyang buhay si Pol, na noong eight years old pa lang ay wala nang sawa sa pagpapahayag ng pagsinta sa kanya. Hindi si Pol ang pinangarap ni Madi na maging leading man sa totoong buhay. Dahil bukod sa makulit ay mas bata ito sa kanya. Pero bakit nang hindi sinasadyang mahalikan niya si Pol ay gusto pa niya ng isa? At bakit ang binata ang una niyang hinahanap kapag bumabagsak ang magulo niyang mundo?
Duke Sebastian by ZindyRivera
ZindyRivera
  • WpView
    Reads 101,262
  • WpVote
    Votes 2,010
  • WpPart
    Parts 16
"Remind me that you love me always" Dinukot si Lara sa araw ng kanyang kasal. Lalo siyang nalito nang dalhin siya ng lalaking nagpakilalang Duke Sebastian sa Forbidden Island, isang malaparaisong isla. Itinago sa kanya ng guwapo ngunit antipatikong lalaki ang dahilan kung bakit siya dinala nito roon. Ang nakapagtataka, para sa isang abducted bride ay sinabi ni Duke na malaya siyang mamasyal sa isla at gawin ang gusto niya. Unti-unti, napansin ni Lara ang magagandang katangian ni Duke. Ang malungkot na mga mata nitong tila may itinatagong lihim, ang mapupulang labi na tila kayang magpawala ng katinuan ng sino mang babaeng hahagkan nito. Suddenly, naalerto ang mga pandama niya. Maging ang tibok ng puso niya ay kumokontra sa sinasabi ng isip niya. At nang hagkan siya ni Duke at yakapin ay para bang noon lang siya nakadama ng tunay na pagmamahal. Nang sa wakas ay matuklasan ni Lara na may kinalaman sa fiancé niya kung bakit siya dinukot ni Duke, noon din niya natuklasan na umiibig na siya sa lalaki. Totoo kaya ang pag-ibig na ipinadama ni Duke sa kanya, o bahagi lang iyon ng pinlano nitong paghihiganti? This was published in PHR, I quess okay lang naman kung share ko dito. I remember, 'yong heroine dito ang name ng dating workate ko na adik sa PB