heart_skye07
- Reads 3,844
- Votes 47
- Parts 1
Dahil sa pakiusap ni Madam Sheela ay napilitan si Lizette na iwan ang kaniyang nobyo na bunsong anak nito, si Renzo. Walang kaalam alam ang binata sa dahilan ng paglisan niya. Kahit pa nga alam niyang iyon na ang posibleng wakas ng kanilang pag-iibigan.
Makalipas ang apat na taon ay muling nagbalik siya sa bansa. Taglay pa din ng kaniyang puso ang pagmamahal para sa binata. At umaasa siya na muling madudugtungan ang kanilang pagmamahalan. Ngunit ibang ibang Renzo na ang kaniyang nadatnan. Puno ng galit ang mga mata nito at tila wala ng pagmamahal para sa kaniya.
Handa siyang ipaglaban ang pagmamahal sa binata. Ngunit paano pa niya magagawang lumaban kung may kapalit na siya sa puso nito? Makakaya ba niyang muling mawalay sa lalaki tanging iibigin ng kaniyang puso?