euphy_kei
Hindi po ito pg 13 actually General po siya... =)
Regret of a mother
Minsan bilang isang magulang akala natin sapat na naibibigay natin lahat ng materyal na pangangailangan ng mga anak natin, napag-aaral sa dikalidad na paaralan, at marami pang iba. Dahil sa kagustuhan nating maibigay ito sa kanila nawawalan tayo ng panahon sa kanila. OO, hindi ka mabubuhay ng puro pagmamahal lang kailangan mo rin ng pera. OO, mabubuhay ka ng pera lang pero ang tanong masaya ka ba? Maraming anak ang napapariwala dahil naghahanap ito ng pagmamahal ng isang magulang. Minsan higit sa pagpapayaman alalahanin mo may anak kang naghihintay sayo sa bahay umuwi ka naman. Hindi mo masasabi kung anong pwedeng mangyari habang wala ka.