Selection
5 cerita
Philippines: Year 2300 (1st Published Filipino Sci-Fi from Wattpad) oleh EMPriel
Philippines: Year 2300 (1st Published Filipino Sci-Fi from Wattpad)
EMPriel
  • Membaca 711,966
  • Suara 12,615
  • Bagian 27
Philippines: year 2300 Ang panahon kung saan ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong paksyon na tila caste system na pamumuhay; una, ang mga bid (ang pinaka mababang uri ng pamumuhay o ang pinakamahirap). Pangalawa, ang mga commoner (middle class napamumuhay). At ang huli ang pinakamataas na antas ng pamumuhay, ang mga bidders. Kung bakit bidders? Sila ang may kakayahan para bumili ng mga bid o kahit na commoner para mailipat ang kanilang memory gene sa ibang katawan at masabing imortal sila. Ang memory gene na ito ay inimbento ng kompanyang MEMO© na hawak ng kasalukuyang diplomatic government. Isang eksperimontong pumasa sa Europe at patuloy na ginagamit ng mga bidders upang mabuhay sa kahit gaano pa kahabang siglo.
Philippines: Year 2302 - Helena's Downfall oleh EMPriel
Philippines: Year 2302 - Helena's Downfall
EMPriel
  • Membaca 213,769
  • Suara 4,946
  • Bagian 25
Dalawang taon na ang nakararaan matapos ang insidenteng naganap sa Pilipinas, natunghayan ng buong mundo ang pagbagsak ng isang diktador na nagngangalang Johan Klein. Sinubukan niyang manipulahin ang lahat ng gumagamit ng memory gene upang magkaroon ng pagbabago sa sistema ng buong mundo gamit ang MCM o Memory Control Maneuver. Ito ang programang ginawa ng MEMO upang kontrolin ang lahat ng tao sa mundo na gumagamit ng memory gene upang pabagsakin ang isang bansa, tanggalin ang mga balakid sa daraanan ng MEMO at gawing matiwasay ang pamumuhay ng bawat gumagamit nito sa paraan ng pagcontrol. Hindi ito nagustuhan ng mga tao, bagkus ay ipinakita lamang ni Johan ang kung anong kayang gawin ng MEMO upang sirain ang sangkatauhan. Inalay niya ang sariling buhay para lang baguhin ang sistema ng buong mundo. Pinalabas niyang si Helena ang kumitil sa kanya upang siya ang kilalanin bilang tunay na bayani. Lubos namang nalungkot si Helena sa ginawa ng binata ngunit naniwala naman ang mga tao na dahil sa kanya ay nagkaroon ng pagbabago. Tuluyang bumagsak ang kompanyang MEMO. Naging panatag ang buhay ng bawat tao at tuluyan na ring nasira ang caste system sa buong mundo na humati sa lipunan sa mahabang panahon. Naging tahimik ang bawat isa ngunit isang balita ang gumimbal sa buong mundo. Natuklasan ng gobyerno na nawawala ang MCM program, pinaniniwalaang ipinasa ito ni Johan Klein sa isang di kilalang tao na tinatawag na Subject 1. Dahil dito ay naglunsad ang pamahalaan ng bawat bansa ng ilang fact finding committee upang hanapin ang MCM program at alamin ang tunay na pagkatao ng Subject 1. Marami na ring iba't-ibang organisasyon ang nakikipag-agawan sa naturang programa upang baguhin ito at i-hack upang hindi lamang DNA ni Johan ang makapag-activate sa naturang program. Ang mga di kilalang organisasyon na lumalantad sa lipunan ay patuloy din na naghahanap sa naturang programa na maaari nilang gamitin sa pansariling kapakanan at maaaring ikasira ng buong sangkatauhan.
Philippines: Year 2303 - A Game of War oleh EMPriel
Philippines: Year 2303 - A Game of War
EMPriel
  • Membaca 158,890
  • Suara 4,151
  • Bagian 28
Ikinagulat ng buong mundo ang muling pagbabalik ni Johan. Ang inakala nilang bayaning nag-alay ng buhay para sa pagkakaisa at kapayapaan ay muling gumising mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Ito ay sa kadahilanang isang gyera na naman ng buong mundo ang muling nagbabadya. Hindi nagustuhan ng karamihan ang kanyang pagbabalik. Ang iba naman ay humanga na lamang sa kanyang talino sa pagdedesisyon at pagpaplano. Ngunit paano nya mapoprotektahan ang bansa laban sa mapanirang imperyo ng Europa kung kakaunti na lamang ang pwersa ng Pilipinas laban sa kanila? May magagawa pa kaya ang isang tulad niya kung muling ibinabalik ng European Union ang MEMO© at ang memory gene upang hatiin muli ang sangkatauhan; mabuhay lamang ang mga mayayaman at patuloy lamang na maghirap ang mga bid? Magagawa niya kayang wasakin nang tuluyan ang sistemang ito ngayong muli siyang nagbalik? Mababago nya kaya ang lahat kahit na napahina ng nakaraang gulo ang pananaw ng mga Pilipino pagdating sa kanilang kakayahan upang lumaban?
Rhythm of Lies (Daguitan Series #1) oleh hijerald
Rhythm of Lies (Daguitan Series #1)
hijerald
  • Membaca 25,607
  • Suara 640
  • Bagian 47
Katherine Villafuerte stained one of Hulatan's respected family. Despite what happened, she had to subdue herself from that past. But things underwent unexpectedly. Matapos ang pagkawala ng kanilang ina, sa kabila ng kaniyang nagawa, tinanggap sila ng mga Maderal sa tulong ni Manang Dessa. Hindi lubos ni Katherine ang mararamdaman. Lalo pa dahil nagbalik si Isaiah Isaac Maderal, ang lalaking nadungisan niya ang nakaraan. Guilt dominated her. But as she made herself comfortable, what she didn't know was there were things she would discover in the family. And falling for him will make her regretful. Would she withstand her bound feelings? Or continue her journey under the rhythms of lies? Daguitan Series 1 August 3, 2020
KAHIMANAWARI oleh AnakniRizal
KAHIMANAWARI
AnakniRizal
  • Membaca 1,741,789
  • Suara 68,656
  • Bagian 44
When Saru finds out about her twin sister's mysterious suicide, she assumes her sister's identity to uncover the truth. ***** Saru Sumiyaya lived a tough life, dropping out of college to work to support her alcoholic father. When her mother calls to inform her that her twin sister, Sari, has taken her own life, she races back to her hometown in disbelief. While in her sister's room grappling with her death, Saru comes across a blue journal containing an ancient word she had taught Sari a long time ago, "Kahimanawari" meaning "kahit man lang kung maaari" or "hoping to happen." Saru realizes the journal contains Sari's wishes. While in Manila to inform Sari's university about her death, Saru encounters Taisei, a friend of Sari's who is convinced that Sari is the victim of the Suicide Virus, a case Sari had been working on before she died. Saru assumes Sari's identity, vowing to solve the case, while also fulfilling the wishes written in the blue journal. DISCLAIMER: THIS IS A FILIPINO LANGUAGE STORY