Memoirs of an Unsung Love Story
MissCorsino
Naranasan nyo na ba yung may kakilala kayo nung kabataan niyo tapos nung mababalitaan nyo na sikat na pala yung taong yon ngayon?
Sabi nga nya, gusto nyang maging isang sikat na rockstar, pero di ako makapaniwala sa mga balita tungkol sa kanya. Siguro dahil malayo lang doon ang pagkakakilala ko sa kanya. Sabagay kung may madilim ka rin namang nakaraan sigurado akong itatago mo yon.
Nagkita ulit kami, sa isang di inaasahang pagkakataon. Ang buong akala ko nagbago na sya pero nagkamali ako. Ang buong akala ko simpleng paghanga lang yung naramdaman ko noon para sa kanya. Pero ng magkita ulit kami, dun ko lang napagtanto na di lang pala simpleng pagkakagusto yon. Kaya siguro sa tinagal tagal, di ako nagkagusto sa mga lalaki sa paligid ko. Sa tinagal tagal ng panahong lumipas, yung ngiting yon pa rin pala hinahanap ko. Ngayon, gusto ko na lang patunayan na lahat ng balita tungkol sa kanya ay malayo sa kung sino talaga sya. Na sa likod ng aroganteng, chick magnet, short-tempered na binatang ito. May isang lalaki na gusto lang tumakas sa magulong mundong ginagalawan nya. Isang mundo na nahanap nya ang lagusan gamit ang musika nya.
Pero ang tanong...
Kaya ko bang sabayan yung magulo at maingay na tugtog ng buhay nya?