mariacndlr
Sabi nila kapag IN LOVE ka, dapat handa mong ipag sigawan sa buong mundo na MAHAL NA MAHAL MO SIYA AT SIYA LANG. Dapat handa kang panindigan lahat ng binitawan mo na salita. Dapat ano man ang mangyari, Ano man ang maging problema, handa niyong samahan ang isa't isa hanggang sa maging maayos na ang lahat. Dapat handa mong pahalagahan ang taong special sa'yo. Yun ba na ma-appreciate mo ang kaya at hindi niya kayang gawin, ika nga, walang perpektong partner. Kasi alam niyo, doon natin masusubok ang tatag ng samahan niyong dalawa.
Minsan naman ng dahil sa pag mamahal, may mga bagay tayong pinag sisihan ng dahil sa isang maling desisyon, lalo na kung hindi natin alam na yung taong nandyan sa tabi mo, siya na pala yung para sayo.
Bakit kaya kung minsan, siya na pala pero ikaw 'tong hindi seryoso, pero pag ikaw 'tong seryoso sila naman yung walang pakialam sayo. Ang unfair noh?
Kung ikaw yung nasa sitwasyon na "Sana pala hindi ko na lang siya iniwan." Gagawa ka ba ng paraan to win this person back? or letting this person go?