SummerKatleya's Reading List
141 stories
Not Just A Pretty Face by LushEricson
LushEricson
  • WpView
    Reads 79,874
  • WpVote
    Votes 1,490
  • WpPart
    Parts 11
Binansagan si Casey sa kanilang university na "beauty with no brains." Kabilang siya sa tinaguriang "The Loser's Club." Hindi lang niya minsang narinig ang pangungutya sa kanya ng mga tao. Pero hindi na niya ininda ang mga iyon lalo na nang aminin sa kanya ni Red, ang kanyang Prince Charming na gusto rin siya nito. Hindi biro ang mga ginawa niya para mapansin siya ng binata. Naging errand girl siya ng basketball team na kinabibilangan ni Red para lang maalagaan at masilayan niya ang kaguwapuhan nito. Ang akala ni Casey ay maayos ang lahat sa relasyon nila ni Red, pero isang malaking problema pala ang kakaharapin niya-ang mga magulang nito. Kilalang henyo ang buong pamilya ng binata at natatakot siya na baka hindi siya magustuhan ng mga magulang nito para kay Red. Hindi naman siya nagkamali ng sapantaha. Tila nagdilim ang mundo ni Casey nang marinig niya mismo mula sa bibig ng mama ni Red kung gaano siya nito inaayawan. Pero mas masakit pala ang malaman na naipagkasundo na si Red sa ibang babae at pampalipas-oras lamang siya nito.
My Sweet Vengeance(published under Phr) completed by BabyLouParksPhr
BabyLouParksPhr
  • WpView
    Reads 91,728
  • WpVote
    Votes 1,464
  • WpPart
    Parts 11
Kung ikaw ay nangangarap na makapangasawa ng isang mayaman pero di sinasadyang na-in-love ka sa isang mahirap nga pero may pangarap naman sa buhay? Itutuloy mo pa ba ang paghahanap ng mayaman? O magtitiis ka sa isang mahirap? Basahin ninyo ang kuwento ni Lianne at Ulyssis...
Lose, Love, Live (COMPLETE) by LushEricson
LushEricson
  • WpView
    Reads 37,770
  • WpVote
    Votes 1,191
  • WpPart
    Parts 27
This is the story of Sita Asuncion. Napakabait niya, wala siyang bisyo, at laging handang tumulong sa iba. But unfortunately, she was diagnosed with stage III stomach cancer. At bigla ay naging iba na ang pananaw niya sa buhay. Gusto niyang gawin lahat ng mga bagay na hindi niya ginawa noon: bumili ng magagandang damit, uminom ng alak, lumabag sa rules... at marami pang iba. Ginawa niya iyong lahat sa tulong ng lalaking mahal niya--si Toyli. And her death wish was simple. For Toyli to love her back. Will it ever happen if he loves someone else? This is the story of Sita Asuncion and it's a story of loss, love and a celebration of life.
Bring Me A Dream by LushEricson
LushEricson
  • WpView
    Reads 78,901
  • WpVote
    Votes 1,394
  • WpPart
    Parts 12
Sa loob ng maraming taon, naging referee si Pipa sa relasyon ng best friend niya at ng boyfriend nitong si Kenneth. Kapag nag-aaway ang mga ito, gagawa siya ng paraan para magkabati ang mga ito. Tatahi siya ng cute na stuffed toys, iihip ng maliliit na lobo, magsusuot ng costume at sasama sa panghaharana ng lalaki sa kaibigan niya. Ginagawa niya ang lahat ng iyon hindi dahil gusto niyang magkaayos ang mga ito. Ginagawa niya iyon dahil matagal na niyang gusto si Kenneth at ayaw niyang nakikita itong nalulungkot. And deep inside her, she knew she was still wishing that one day, Kenneth would notice all her sacrifices for him and would love her in return. Well, there is a saying... Be careful with what you wish for. Because you just might get it. And when you get it, complications are sure to follow...
Loving Nobody's Girl by LushEricson
LushEricson
  • WpView
    Reads 63,084
  • WpVote
    Votes 943
  • WpPart
    Parts 11
Frei was a simple girl with an ordinary dream-ang mapansin ng campus heartthrob na si Benjo. Maniniwala na sana siyang mas posible pang may mag-landing na eroplano sa MRT station kaysa magkatotoo ang kanyang hiling kung hindi lang isang araw ay hinabol siya ni Benjo para magpakilala. And from then on, dikit na ito nang dikit sa kanya at naging sweet pa. Kung kailan umaasa na ang puso ni Frei na gusto rin siya ni Benjo ay saka niya natuklasang pinagti-trip-an lang pala siya ng lalaki at ipinahiya pa sa birthday party. Lumayo si Frei na baon ang labis na sakit sa puso. Lumipas ang mga taon at muli silang nagkita. Naging magkatrabaho pa sila at panay ang pagpapakalat ni Benjo ng obsession niya rito noon. Dahil naniniwala si Frei na naka-move on na siya, hiniling niya kay Benjo na mag-date sila araw-araw sa loob ng isang linggo. Gusto niyang ipakita at patunayan na hindi na siya kinikilig at wala na siyang gusto rito. Pero paano kung sa loob ng isang linggo ay ma-realize ni Frei na gusto pa rin niya ang lalaki? What would happen next?
The Puppy Love That Lasted Forever (COMPLETE) by LushEricson
LushEricson
  • WpView
    Reads 74,840
  • WpVote
    Votes 1,632
  • WpPart
    Parts 21
Taong 1996, isang dekada pagkatapos ng EDSA Revolution, nangako kay Basty ang kababata niyang si Devon na pakakasalan siya nito. Mga inosenteng bata pa sila noon. Ngunit napapako nga yata ang mga pangako dahil paglipas ng ilang taon ay nakalimutan na rin ni Devon ang pangako nito sa kanya. Ang problema pa niya, kahit nang lumaki na sila ay napaka-sweet pa rin ni Devon sa kanya. Hindi tuloy niya mapigilan ang kanyang puso na umibig dito. And she secretly desired that one day he would realize that his promise was worth keeping. Pero kahit yata magpasimula pa siya ng panibagong people power sa kahit anong kalsada ng Pilipinas, alam niyang imposible nang matupad nito ang pangakong iyon. In love na kasi ito sa iba...
Invisible Man's Spellbound Heart (COMPLETE) by LushEricson
LushEricson
  • WpView
    Reads 46,556
  • WpVote
    Votes 898
  • WpPart
    Parts 13
Todo ang effort ni Lutgarda sa pagpapapansin sa kanyang ultimate crush na si Robin, pero palaging epic fail ang kinalalabasan. Pati fashion sense ay binago niya. Dati ay palda na hanggang talampakan ang haba ang laging suot niya. Pero ngayon ay nagsusuot na siya ng miniskirt at tank top. Ang siste, nabastos siya ng mga adik na tambay sa kanilang lugar. Sukdulang umabot pang nagpagawa siya ng potion sa kanyang lola para gayumahin si Robin, pero epic fail pa rin. Sa lahat ng mga kapalpakan ng mga da moves ni Lutgarda ay nariyan ang best friend niyang si Jed-na kapatid ni Robin-para i-rescue siya. Si Jed ang palaging nagli-lift ng self-esteem at nagbu-boost ng kanyang confidence tuwing bigo siya kay Robin. Si Jed din ang nagsabi na maganda siya at kaibig-ibig. Sa mga panahong bigo si Lutgarda ay hindi siya iniwan ni Jed. Lalo tuloy lumalim ang appreciation niya sa best friend. "Don't feel bad about yourself. Don't be too insecure," ani Jed. "Always remember na may isang Jed na nagpapakatanga sa 'yo." Diyata't hindi na kaibigan ang tingin nito sa kanya?
Mas Bagay Tayo by LushEricson
LushEricson
  • WpView
    Reads 50,871
  • WpVote
    Votes 819
  • WpPart
    Parts 10
"Comedienne of the Year" si Trixia sa school nila kaya nang magtapat siya ng pag-ibig sa long-time crush na si Todd ay pinagtawanan lang siya nito at inakalang nagbibiro lamang siya. Nasaktan siya ngunit nagpasya ring mag-move on. Sumali si Trixia sa isang dating Web site. Nakakilala siya roon ng mga lalaki na nagbigay ng atensiyon sa kanya sa kabila ng pagiging mataba niya. Pumayag siyang makipag-date sa ilan sa mga iyon. Ngunit ang labis niyang ipinagtataka ay ang presensiya ni Todd tuwing may date siya. Hanggang isang araw ay si Todd ang nagyaya sa kanya ng date. Wala siyang ideya kung ano ang dahilan nito sa pagyayaya sa kanya ngunit hindi niya maiwasang umasa ang puso niya. Sa ikalawang pagkakataon ay nagtapat siya ng pag-ibig dito. Hindi nga siya pinagtawanan nito, ngunit umiwas naman ito sa kanya...
Broken Hearts Trilogy 1-Mend This Broken Heart of Mine(published under Precious Hearts Romances) by DreamGrace
DreamGrace
  • WpView
    Reads 13,109
  • WpVote
    Votes 129
  • WpPart
    Parts 1
Bram would finally be hers. But first, she would have to convince him that she is the only woman in the entire world who would love him as he deserves to be loved.
Once Upon A Time In High School [PUBLISHED under PHR] by akihiro_sakimoto
akihiro_sakimoto
  • WpView
    Reads 67,331
  • WpVote
    Votes 1,145
  • WpPart
    Parts 11
"I know my heart won't learn to love anymore because it will only beat for one person. And that person is standing in front of me now. It's you." Lihim nang iniibig ni James si Celine mula pa noong nasa high school sila. Dahil likas na mahiyain at torpe ay hindi niya nagawang ipagtapat ang tunay na nararamdaman niya para dito. Hanggang sa naging nobyo na nito ang lalaking noon pa nito minamahal. Umalis siya nang hindi nagpapaalam dito. Maraming taon na ang lumipas nang muling nagtagpo ang kanilang mga landas. Nalaman niyang matagal na itong nakipaghiwalay sa nobyo nito. Ayon dito, bumalik ito dahil na-realize nitong siya talaga ang mahal nito. Sa wakas ay nakapagtapat na siya rito at naging magkasintahan sila. Walang pagsidlan ang kaligayahan sa puso niya. Wala na siyang mahihiling pa. Ngunit saglit lang pala ang kaligayahang iyon-dahil parang pinagsakluban siya ng langit at lupa nang isang araw ay makita niyang kayakap nito ang dati nitong nobyo. [Published by Precious Pages Corporation, under Precious Hearts Romances (PHR) imprint, January 2011]