expectopatronam
Kung may pagkakataon lang sanang bumalik sa Nakaraan para muli kang makasama . .
kung pwede lang sanang ibalik yung mga pagkakataong masaya pa tayong dalawa. . .
kung pwede lang sanang baligtarin ko ang ikot ng mundo para muli kang mayakap at mahagkan man lang sana. .
ang Sakit pero pilit kong tinatanggap . .
kung alam mo lang sana ang hirap na pinagdaraanan ko sa bawat araw na gigising akong wala ka . .
yung titingin ako sa paligid . . nagbabaka sakaling nandyan ka nakamasid. .
kung alam mo lang kung pano ko pinipigilan ang pagbagsak ng mga luha sa aking mga mata . .
Kung Alam mo lang. .