Stalker_zone101
Umasa? sabi nila kung walang umaasa walang paasa. Eh paano ba namang hindi ka aasa kung sa mga motibong binibigya nya sa'yo malapit sa katotohanan.
Sana pala hindi ko na lang tinanong ng hindi na ko nasaktan. Sana habang buhay na lang akong umasa sa mga walang kwenta mong motibo.
Nakakainis kasi kung bakit nabuhay pa yung mga taong manhid, paasa, umaasa, loner at marami pang uri..
Ako halata naman kung saan akong grupo ng mga tao eh. Dun ako sa grupo ng mga taong tatanga-tanga kasi nahulog sa motibo ng kalaban. Umasa ako na ako yung taong nakagagawa ng ngiti sa mukha mo.
Umasa ako na sa tuwing mahuhuli kitang nakatitig sa kin at iiwas ka ay napapangiti na lang ako. Dahil akala ko may lugar ako sa puso mo. Pero yun pala sinakop na ng iba.