XR reading list
26 stories
My Girl (Kanaway Book 6) by JelainePhr
JelainePhr
  • WpView
    Reads 37,584
  • WpVote
    Votes 521
  • WpPart
    Parts 10
"When you fall in love with someone, you fall in love with their heart and soul..." Hindi katanggap-tanggap sa conservative na si Teyonna de Gala na tawagin siyang "witch" ni Jack Veltri-ang arogante, happy-go-lucky, at tila feeling-hari ng mundo na bisita ng kanyang pinsan; minaliit pa nito ang kanilang lugar na Kanaway. Kaya naman ipinangako niya na pagbabayarin ang binata. Kailangang bawiin nito ang hindi magagandang sinabi patungkol sa kanya at sa kanyang pinakamamahal na lugar. Hanggang sa naaksidente si Jack na iniligtas niTeyonna. Nagbago bigla ang ihip ng hangin. Ang dating hambog at Mr. High and Mighty na si Jack ay humingi ng apology sa lahat ng mga nagawa kay Teyonna. Nakikipagkaibigan na ito sa kanya. Sa kabila ng pagdududa sa tunay na intensiyon ni Jack ay unti-unti na ring inilapit niTeyonna ang sarili at ipinakita kung ano ang buhay nila sa Kanaway. Sa maikling panahon ng pagkakakilala nila ay nakita niya ang malaking pagbabago kay Jack at unti-unti niyang naramdaman ang pagkahulog ng loob sa binata. Ngunit kailangang bumalik ni Jack sa dati nitong buhay. At sa pag-alis nito, maaaring tuluyang mawala kay Teyonna ang binata dahil sa pagtanggap nito sa isang responsibilidad na matagal nang dapat iniatang kay Jack.
Pulang Rosas, Linyang Gasgas, Pag-ibig Na Wagas (Kanaway Book 3) by JelainePhr
JelainePhr
  • WpView
    Reads 213,651
  • WpVote
    Votes 4,764
  • WpPart
    Parts 32
"I don't want another girl. I can't even look at them anymore. My heart, my mind, my eyes-you own everything." Napilitang pumayag si May na magpanggap na girlfriend ng kanyang boss sa rancho na si Dash de Gala para daw tumigil na ang manipulative at snob na ina nito sa pagma-matchmake sa binata at sa mga anak ng mga amiga nito. Kapalit iyon ng pagtulong ni Dash na hindi mailit ng bangko ang bahay na naiwan ng mga magulang ni May. Hinayaan din niya na mapagkamalan siyang lesbian ni Dash upang maging off-limits sa charms nito, kahit alam naman niyang never siyang magiging type ng binata. Because Dash-despite his sometimes childish, playful, and carefree attitude-seemed to be "perfect" and "high and mighty" in his own right. Samantalang siya ay hamak na empleyado nito at never na naging isang sopistikadang babae. Pero sa kanilang pagpapanggap ay hindi sinasadyang nahulog ang loob ni May sa binata na kinalaunan ay nagpakita rin ng interes sa kanya. Nagselos pa ito sa nagbabalik na ex-boyfriend niyang si Randall. They would have made their fake relationship real... almost. Kung hindi lang sa pagtutol ng ina ni Dash at ang pagkawala ng matagal nang pangarap ng binata na pamahalaan ang canning business ng pamilya dahil sa hindi inaasahang pagkabulgar ng kanilang kunwa-kunwariang relasyon.
Starry, Starry Night (Kanaway Book 4) by JelainePhr
JelainePhr
  • WpView
    Reads 129,488
  • WpVote
    Votes 2,508
  • WpPart
    Parts 25
"I can endure anything just to be by your side. I can't take any distance away from you. Every breath, every smile, my every move, every part of me shouts your name." Chairmaine Jo "CJ" de Gala's life was perfect. Tila ba hinugot sa isang fairy tale ang kanyang buhay. Bahagi siya ng isang tinitingalang pamilya, kinaiinggitan at hinahangaan sa mundo ng fashion, at higit sa lahat, nakatakda siyang ikasal sa lalaking ang katumbas ay isang prinsipe. But her dreams were shattered when she found out about her fiancé's lies. She was lost. At nang isang gabing malasing at sinuwerteng makakita ng isang bulalakaw, parang isang batang paslit na pumikit si CJ saka humiling doon. Her wish? That there was a Mr. Right somewhere out there. At nais niyang makilala kung sino man iyon. Ano ang naging sagot ng bulalakaw sa kanyang hiling? CJ woke up in bed with a stranger named Sev. She slowly began to remember everything, habang ang lalaki ay tila walang natatandaan kung paano at bakit sila nakarating sa iisang kama. Si Sev na kaya ang Mr. Right na hinihintay ni CJ o isa na namang Mr. Wrong ang kanyang natagpuan?
Moonlight Kiss (Kanaway Book 2) by JelainePhr
JelainePhr
  • WpView
    Reads 162,654
  • WpVote
    Votes 3,689
  • WpPart
    Parts 31
"When I said that I love you, I meant it as a promise, and I mean forever." Brien de Gala doesn't want to have a serious relationship. Kontento na siya sa kanyang kasalukuyang lifestyle-casual dates without definite commitment. Hindi siya handa at hindi magiging handa kailanman. But he is bound to change his mind in one fateful night. Hindi sinasadyang nabangga ng kanyang kotse ang isang babae. The woman ended up with no memory and no one to depend on but him. And as Brien took the responsibility, his heart seemed to change. He started to care deeply for Jaquelyn, ang babaeng kanyang nabangga. Gusto niyang maging bahagi ito ng buhay niya. Permanently. She seemed to want that as well... until she began to regain her memory. And there were parts of her past that Jaquelyn believed would always... always come between them.
ALL-TIME FAVORITE: Sinner or Saint by AgaOdilag
AgaOdilag
  • WpView
    Reads 96,109
  • WpVote
    Votes 1,593
  • WpPart
    Parts 13
Pagkatapos ng dalawang disastrous relationship, ipinangako ni Lilia sa sarili na ang pakikipag-boyfriend ang kahuli-hulihang maaari niyang isipin. Hanggang sa makilala niya si Vince Cortez, her ex-fiancé's brother. Tall, mysterious, and good-looking. He abducted her, insulted her, humiliated her. "I wouldn't dare touch you, kahit ikaw na lang ang huling babae sa lupa." Iyon ang sabi nito sa kanya. But why the marriage proposal?
KRISTINE SERIES 54: The Bodyguards: Tennessee  by AgaOdilag
AgaOdilag
  • WpView
    Reads 179,253
  • WpVote
    Votes 3,087
  • WpPart
    Parts 20
Nagkamalay si Genevie sa isang ospital, without any memory. Pagkatapos ng reconstructive surgery, natambad sa kanya ang pinakamagandang mukhang papangarapin ng sino man. She was Jillian Nuevo, stepdaughter of a multimillionaire, who was missing. She had an ex-husband, the gorgeous Tennessee Hernandez, an ex-SEAL, at may dalawang anak sila. She had a perfect family if only she could remember any of them and if she survived the attempts to kill her. At kaya ba siyang protektahan ni Tennessee gayong ayon dito ay isa siyang masamang asawa at walang-kuwentang ina? ©Martha Cecilia
Mystic (COMPLETED) (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 923,984
  • WpVote
    Votes 22,446
  • WpPart
    Parts 34
Mavis met an accident on her way to Bangui, a town in Ilocos Norte. Ang nakapagtataka ay wala siyang maalala sa mismong aksidente, bago man o pagkatapos niyon. Subalit ang isip niya ay okupado ng mga pangitain na hindi kanya--ng isang babaeng nagdadalang-tao at sugatan sa dibdib at ng isang lalaking binubuhat ito at dinala sa ospital na siya ring pinagdalhan sa kanya noong panahong naaksidente siya. Limang taon ang nakalipas, nagbalik siya sa lugar na pinangyarihan ng aksidente niya. Then she met the gorgeous Rolf Montilla. And the moment she set eyes on him, she felt a certain attachment and longing--the kind of longing that made her want to weep, that somehow they'd met already. May kinalaman ba si Rolf sa mga nangyayari sa kanya?
Akin Ka Noon, Ngayon At Kailanman COMPLETED (Published by PHR) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 950,522
  • WpVote
    Votes 18,830
  • WpPart
    Parts 22
Hindi makapaniwala si Jessica na itinali ng papa niya ang kanyang mamanahin sa taong minsan ay nanloko sa kanya. "Hindi ko alam kung paano mo nakuha ang tiwala ng papa, Nick! Buong pait niyang sinabi. " I cannot imagine that he trusted you that much!" nanunuyang dugtong niya. Sa nanunuyang tinig din sumagot ang lalaki. "...at hindi lang ang asyenda ang ipinagkatiwala niya sa akin! Maging ang kaisa-isa niyang anak!" Natigilan si Jessica sa narinig. Bakit ngayong nalaman niyang hindi ito pabor sa ginawa ng papa niya ay hindi siya makaimik? Ano ba ang inaasahan niyang isasagot ni Nick?
Love Trap (COMPLETED) Published by PHR by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 923,488
  • WpVote
    Votes 19,674
  • WpPart
    Parts 32
Naniniwala siyang higit ang pagtinging inuukol niya kay Lola Emilia kaysa sa sarili nitong apo, si Robb, whose true to life experience was made into a movir and became a big hit. Kaya walang dahilan upang tumanggi si Serena sa suhestiyon nito na magkunwari silang magkasintahan upang mapaligaya ang mga huling araw ng buhay ng matanda. Mula sa inosenteng pagkukunwaring iyon ay natagpuan niya ang sariling taglay na ang pangalan ni Robb nang magpakasal nila- kasal na tiniyak ni Robb na ipaa-annul nito sa sandaling matapos na ang silbi niyon. Subalit habang lumilipas ang mga araw ay natagpuan ni Serena ang sariling umiibig dito. Subalit paano ang nalalapit nilang annulmentÉ At ano ang gagawin niya gayong dinala ni Robb sa bahay nila ang magandang babae sa katauhan ni Yvette?
Kristine series by Jiramarie05
Jiramarie05
  • WpView
    Reads 70,061
  • WpVote
    Votes 1,148
  • WpPart
    Parts 1
Sgesge!!