KhimDelMundo's Reading List
5 stories
B1 GANG MYSTERIES Case File No.7: Maskara ni Longino by b1gang
b1gang
  • WpView
    Reads 5,914
  • WpVote
    Votes 229
  • WpPart
    Parts 21
Kahit semana santa ay hindi na iginalang ng mga masasamang-loob. May nagnakaw sa sinaunang maskara ni Longino! Paano na itutuloy ang Moriones Festival? Akala ng B1 Gang ay isang tahimik na bakasyon sa lalawigan ng Marinduque ang kanilang gagawin. Pero kilala naman ninyo ang apat na kabataang bumubuo sa ating barkada. Kahit yata saan sila magpunta ay nakabuntot ang misteryo at hiwaga. Ang pagkakaiba nga lang sa kasong ito ay isang linggo lamang ang palugit nila para mabawi ang maskara ni Longino. Ngunit ang matindi sa lahat ay ni hindi nila alam kung sino ang nagnakaw. Malay ba nila kung kasambahay nila ang salarin at namamatyagan pala nito ang bawat kilos na ginagawa ng barkada! Isang linggong adventure ang kasong ito na nawawalang maskara ni Longino. Bawat araw ay nakikipagtunggali ng husay at talino ang B1 Gang laban sa mga tusong salarin. Isinulat ni JOSE RAMIL LOGMAO C1995
B1 GANG MYSTERIES Case File No. 6 : Misteryo sa Libingang-Yungib by b1gang
b1gang
  • WpView
    Reads 4,248
  • WpVote
    Votes 160
  • WpPart
    Parts 16
Mga nawawalang bangkay? Sariwang simoy ng hangin. Malamig na klima. Makapal na puno ng mga pine trees na bumabalot sa bulubunduking kapaligiran. Ano pa ba ang mahihiling nina Gino, Jo, Kiko at Boging sa pinuntahan nilang bayan ng Sagada sa Mt. Province? Pakiramdam nila'y nasa paraiso sila. Ngunit sa paraiso man ay may ahas din! Sa kabila ng kaakit-akit na kapaligiran ay natuklasan ng apat na may lumalapastangan sa mga matagal nang yumao. Nakakakilabot mang isipin ngunit totoo. Isang grupo ng mga ganid ang nagnanakaw sa mga ataol at bangkay ng mga Igorot na nakalibing sa kuweba upang ibenta sa mga kolektor! Paano sila mapipigilan at masusukol ng B1 Gang? Isinulat ni: ELYA MARIA ATIENZA C1996
I KNEW HE WAS TROUBLE [COMPLETED] (St. Catherine High Series Book #1) by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 155,260
  • WpVote
    Votes 4,383
  • WpPart
    Parts 22
This book is now published under Reb Fiction and is now available in bookstores. Please do grab a copy! Thank you. (Formerly known as Not Another Gangster Love Story) Hi! Ako si Nadine at hooked na hooked ako sa online novels mula sa mga free online reading websites. Kahit nabasa ko na sa Internet ang novels na iyon, binibili ko pa rin kapag na-publish na bilang libro. Gustung-gusto ko kasi kapag napapakilig ako ng teenage novels na nababasa ako. Hopeless romantic kasi ako. In fact, araw-araw, nangangarap ako na mangyayari sa akin ang isa sa love stories na binabasa ko. Ang sarap sigurong maging bida sa mga nobelang gaya niyon. Lalo na kung isang guwapong gangster na nauusong gawing hero ng mga nobelang nababasa ko ang maging love interest ko. Bigla tuloy napansin ko si Calix Roque-ang campus bully sa SCH at lider ng isang teen gang. Kapag kinanti mo siya, pilik-mata mo lang ang walang latay. Pero in fairness, cute si Calix. Hindi ko ine-expect pero na-turn on ako sa kanya. Kaya nakagawa tuloy ako ng isang bonggang desisyon. Paiibigin ko si Calix at gagawa ako ng sarili kong real-life gangster love story! Eh, kaso umubra kaya ang plano ko kay Calix kung mukhang walang gustong gawin ang gangster na iyon kundi ang pandilatan, takutin at pagkatuwaan ako? *Unedited version *Preview only
Pen Name: ilovesushi (St. Catherine High Series Book #5) by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 13,824
  • WpVote
    Votes 465
  • WpPart
    Parts 8
**Available in bookstores** Ako si Janna San Pedro. Sixteen. Bookworm. Nerd. Unpopular sa SCHS. Pero sa Wattpad, I was popular as an author. I went by the pen name "ilovesushi." Walang nakakaalam na nagsusulat ako sa Wattpad. Hindi nila alam na ako ang nasa likod ng mga istoryang kinakikiligan nila. Yes. I was a hopeless romantic. Literal na hopeless, kasi ang kaisa-isang lalaking crush ko simula pa lang noong grade five, ay ang isa sa pinaka-popular guys in school. Si Jeremy Bernardino. Seventeen. Captain ng school soccer team. Heartthrob. At may equally popular girlfriend. He did not even know I exist and he would not even look at me. Kaya imposibleng mapansin niya ang isang tulad ko. Dala ng frustration, isinulat ko na lang ang pinapangarap kong "love story" namin ni Jeremy sa Wattpad. Hindi ko binago ang pangalan niya bilang hero. Kaya naman nagising na lang ako isang araw at nalamang hinahanap na raw ni Jeremy ang misteryosong writer ng nobela sa Wattpad. No! Hindi niya puwedeng malaman kung sino si ilovesushi. Kasi magkaka-idea siya na iyong nerd at unpopular na babaeng love interest niya sa nobela ay walang iba kundi ako! Nakakahiya!
#SocialMediaAddict (St. Catherine High Series Book #4) by HeartYngrid
HeartYngrid
  • WpView
    Reads 13,311
  • WpVote
    Votes 402
  • WpPart
    Parts 8
**Already published. Available in bookstores** Ako si Kassie at isa akong self-confessed social media addict. May account ako sa lahat ng social networking apps. I love sharing my life in social media. Internet is like my bff. Hindi ko kayang mabuhay nang walang Wi-Fi. Kaya naman hate na hate ko si Tom Alvarez, 'yong masungit at antipatikong president ng Science Club sa SCH na galit sa social media. Ang sabi niya, nawawala na daw ang tunay na essence ng social interaction nang dahil sa mga social networking apps na iyon. Hate na hate ko talaga ang KJ na iyon. Kaya para makaganti ako sa kanya, gumawa ako ng hashtag sa Twitter para sa kanya-ang #iHateTom under another username. At araw-araw, ibinubuhos ko roon ang galit ko sa kanya. Wala naman siyang social media account ni isa kaya hindi niya mababasa iyon. Hindi rin naman niya malalaman na ako ang nasa likod ng hashtag na iyon. Kaya never siyang makakaganti sa akin sa lahat ng masasamang pinagsasabi ko sa kanya sa social media. #NeverEver Iyon ang akala ko.