mafioso_akio
Sa bansang pinamumugaran ng mga Mafian groups. Hindi naman magpapatinag ang mga Gangster groups. Dahil sa talino, abilidad, lakas at koneksyon. Nagawa nilang makagawa ng sariling pangalan sa lipunan.
Isa na dito ang Ichiban Gang na pinamumunuan ng isang binatang may kakaibang pag iisip at galing sa labanan.
Siya si Kuroji Ichiban. Ang itinuturing na "Psycho" ng kanilang samahan. Kinatakutan siya ngayon ng karamihan dahil sa brutal niyang pamamaraan kapag lumalaban. Bukod dun, maraming ilag sa kanya dahil sa hindi normal niyang kilos at pagsasalita.
Gayunpaman, may isang taong hindi kailanman nakaramdam ng takot sa kanya.
Isang taong gusto siyang makita palagi.
Isang taong kayang tapatan ang kabaliwan niya.
At isang taong handang sumalo ng bala para sa kanya.
Sino siya?
Siya lang naman si Jake Forrester Valhalla. Ang 25 years old na mafian boss na baliw na baliw sa kanya.
(Bxb/Action)