sunnysideodd
It was a beautiful, sunny day - the perfect day for a wedding.. but not Kaia's!
Sa araw na iyon, ikakasal ang isa sa mga pinsan niya kaya todo-todo ang paghahanda ng buong pamilya. Kagaya kasi ng ate niya, ang pinsan niyang iyon ay napapagdiskitahan ng kanilang mga tiyuhin at tiyahin tuwing may family gathering na baka raw tumandang dalaga.
Hindi naman maipagkakailang siya rin ay unti-unti nang naipapasok sa usapang love life dahil nasa edad na siya, kaya minsan gusto na lamang ni Kaia na aminin ang plano niyang tuluyan na lang na huwag mag-asawa dahil ayon nga sa mga tao sa kanyang social media account ay #WalangForever! Besides, finding the right guy is such a waste of time for a busy girl like her.
Pero, hindi ba't ang layunin nga ng isang kasal ay maipag-isa ang dalawang taong nag-iibigan? Hindi naman siya ang ikakasal... so why did she suddenly find herself on the arms of 'Mr. Right' as well?!