Joemar Ancheta
7 stories
Nang Lumuhod si Father by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 169,454
  • WpVote
    Votes 856
  • WpPart
    Parts 5
Pagkatapos ng nobela nating "Everything I have" na tumalakay kung gaano kahirap ang ipaglaban ang iyong pagmamahal laban sa sakit o kamatayan, ang nobelang "Chaka (Inibig mo'y Pangit) na naghatid sa atin ng kuwento tungkol sa pag-iibigan laban sa ibang tao, ngayon naman ay dadalhin tayo ng ating bagong nobela sa kakaibang pagmamahalan laban sa ating Diyos na lumikha. Paano nga ba maipaglalaban ang tunay na pag-ibig kung ang pagsilbi sa Diyos ang iyong katunggali? Paano ito mapagtatagumpayan lalo pa't sa bawal na pag-iibigan. Alin ang pipiliin, ang paninilbi at pagmamahal sa Diyos o ang pagsuko at ituon ang panahon at buhay sa lalaking tunay na laman ng puso't isipan. Note: Mangyaring basahin muna ang Everything I have at Chakka (Inibig mo'y Pangit) dahil may kinalaman ang mga iyon sa kuwentong ito.
STRAIGHT by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 188,256
  • WpVote
    Votes 991
  • WpPart
    Parts 5
Ako si James. Lumaki ako sa isang istriktong pamilya. Naikintal sa bubot kong isip ang tama sa mali, ang katanggap-tanggap at bawal at ang pagkutya sa pagkatao ng mga lumilihis sa ating totoong pagkasino. Sa madali't salita, hindi ako nakikisama sa mga bakla at nandidiri akong mailapat ang kahit anong bahagi ng katawan ko sa kanila. Nagbinata akong taglay ang pagkataong iyon. Straight ako. Nagkaasawa at nagkaanak... malayong papatol ako sa mga salot sa buhay ko. Hindi ako manhid lalong hindi din ako tanga. Puno ako ng katanungan at pagtataka. Kakaiba ang trato sa akin ni Xian, hindi yung karaniwang kaibigan lang. Sa kaniya ko naramdaman ang pag-aasikaso at pagmamahal na kahit kailan ay ipinagkait ng aking asawa. Iba ang kaniyang titig sa aking katawan kapag wala akong damit. Napapansin ko din ang lagkit ng kaniyang tingin sa aking harapan ngunit lahat ng paghihinalang iyon ay nanatiling palaisipan lang sa akin. Ngunit sakali mang may gagawin siyang hindi ko magustuhan ay doon na lamang siguro ako tuluyang sasabog. Kahit gaano pa siya kabait sa akin ay isang panlolokong maituturing kung tuluyan siyang bibigay. Basta ang sa akin, barakada ay barkada. Iyon lang ang alam kong kaya kong maibigay. Isa pa, dahil sa kabaklaan namatay si Mama na siyang naging dahilan ng pagkawasak ng aking pamilya. Huwag naman sanang pati ang matalik kong kaibigan ay magiging katulad ni kuya dahil alam kong magiging masalimuot lang ang buhay naming dalawa. NOTE: Read Everything I Have, Chakka at Nang Lumuhod si Father bago ito basahin dahil ang mga naunang nabanggit na nobela ay book 1, 2 and 3 ng nobelang ito.- Joemar Ancheta
EVERYTHING I HAVE by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 59,670
  • WpVote
    Votes 607
  • WpPart
    Parts 5
Masarap magmahal lalo na kung mahal ka din ng taong mahal mo. Ngunit paano ba magmahal kung ang tamang pagmamahal para sa'yo ay hindi katanggap-tanggap para sa iba. Saan patutungo ang pagmamahal ni Mario kay Gerald sa pagmamahalang tinututulan at kinukutya ng karamihan. Magkalayong estado ng buhay. Kakaibang pagmamahalang sinubok ng mga suliranin. Kaya bang tiisin ng tunay na pagmamahal ang mga pasakit na dala ng pagkasino? Paano iiwasan ang minamahal kung may ma sikreto kang pilit tinatakasan sa pagkakabigkis ninyong dalawa?
Mahal Kita, Hanggang Sa Huling Laban by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 164,990
  • WpVote
    Votes 731
  • WpPart
    Parts 5
Kahit iba ang ipinaglalaban mo sa ipinaglalaban ko, kahit pa magkasalungat ang paniniwala mo't paniniwala ko, umaasa akong mapag-iisa tayo ng tibok ng ating puso. Mahirap kang ipaglaban, mahirap kang hanapin sa gitna ng mga sigalot ng ating mga digmaan ngunit sana mahanap mo ako sa puso mo, sana maipaglaban at mapagtagumpayan natin ang tunay na sinisigaw ng ating damdamin laban sa hindi na matapos-tapos na bangayan ng hukbong ating kinabibilangan. Saan tayo dadalhin ng ating pagmamahalan? Hanggang kailan natin maipaglalaban ang ating pag-iibigan at kapayapaan? Mahal kita, alam kong mahal mo din ako, ngunit patuloy tayong pinaglalayo ng prinsipyo ng magkalabang grupo. Sana Zanjo, maramdaman mong Mahal kita, hanggang sa huling laban! -Patrick
ONE NIGHT STAND by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 211,866
  • WpVote
    Votes 1,132
  • WpPart
    Parts 5
Paano mabubuo ang isang pag-ibig sa isang gabing nagsimula lang sa kapusukan. Isang gabing ang pag-aakala'y isang mainit lang na "tikiman" sa isang hindi lubusang kakilala. Dahil sa takot na masaktan, madalas nangyayari ang isang gabing pagtatalik. Hindi alam ang tunay na pangalan, estado ng buhay at totoong pagkasino. Ngunit iba minsan kung maglaro ang kapalaran. Kahit sa simpleng tikiman, madalas na nauuwi pa din sa di mapigil na nararamdaman. Kilalanin si Markie, guwapo, sariwa, puno ng pangarap sa buhay. Istudiyante sa umaga, Janitor sa hapon hanggang gabi. Tahimik na sana ang kaniyang buhay. Tanging ang maiangat ang pamilya sa kahirapan ang tanging laging naglalaro sa kaniyang isipan. Ngunit nangyari ang isang gabing sinubok siya ng kaniyang katatagan. Nagpatianod siya sa tukso. Akala niya, matatapos na sa mabango at malamig na kuwarto ang karanasang niyang iyon sa isang guwapong estranghero ngunit nang inilipat siya sa ibang opisina ng kanilang agency, nagtagpo ang kanilang mga mata. Nanliit siya sa sarili. Gusto niyang biglang maglaho. Paano kung ang nakalaro niya ng isang gabi ang siyang kaniyang magiging boss? May pag-asa bang magtatagpo sila sa gitna dahil bukod sa langit at lupang agwat nila, mukhang hindi din siya mapapansin ng lalaking pinangarap niya. Ang lalaking hindi naniniwala sa pag-ibig at relasyon ng mga kagaya nilang alanganin.
Chakka (Inibig Mo'y Pangit) by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 55,438
  • WpVote
    Votes 429
  • WpPart
    Parts 6
Note from the Author: Book 2 po ito ng Everything I Have. Kaya bago basahin ito, gusto kong unahing basahin ang Everything I Have dahil may ilang bahagi ng kuwentong ito na karugtong ng Everything I Have na una kong naisulat.) Malimit kong naririnig na kapag pangit ka nahihirapan kang makahanap ng gugusto sa iyo. Sige, dagdagan natin, kapag pangit ka at wala kang pera, walang magkakamaling papansin sa iyo, o, siya siya... todohin na nga natin... kapag pangit, wala kang pera at bakla ka pa, sabi nila parang pinagtalikuran ka na ng magandang tandhana. Sa salitang bading, ang pangit ay chakka at ang isa sa mga chakkang iyon ay ako. Pero ayaw kong kawawain ang pagiging bakla ko, ako yung baklang pangit ngunit hindi naman naghihirap at dahil matalino ay may matatag namang trabaho. -Terence Kilalanin siya at ang kababata at matalik niyang guwapong kaibigang si Lando at kung paanong nabuo ang kanilang pagmamahalan.
Rebound Of Foul Hearts by joemarancheta123
joemarancheta123
  • WpView
    Reads 192,807
  • WpVote
    Votes 724
  • WpPart
    Parts 5
Sa laro ng mga barako't astig, paano kung may namumuong hindi maipaliwanag na kakaibang damdamin sa pagitan ng isang sikat na basketbolistang tinitilian at pinapangarap ng lahat at ng isang guwapo at mas batang nagsisimula palang makilala. Saan sila dadalhin ng kanilang tunggalian sa laro at pagkamit sa respeto ng kanilang mga fans. Anong kaya nilang gawin para patuloy nilang matakasan ang pinipigilan at nilalabanan nilang bugso ng pagkagusto sa isa't isa. Paano kung ang simpleng atraksiyon sa mabilisang mga sulyap, ang kuryenteng nabubuo sa tuwing nagkakabungguan sila sa paglalaro at ang pagtatangi kapag nagkikita sila bago at pagkatapos ng laro ay kusa nang sumasabog. Paano nila haharapin ang kaibahan nila sa kanilang mga kasamahan? Paano nila mapapanindigan ang kanilang pagmamahalan sa mundong kanilang ginagalawan?