Isang pagkakaibigan ang masusubok ng tadhana sa kakatwang pangyayari na nagdulot ng takot sa kanila at ito ay may kaugnayan sa nakaraan,Ang nakaraan na pilit nilang kinakalimutan.ngunit ito rin ang magdudulot ng lagim at trahedya sapagkat walang lihim ang hindi nabubunyag.Matuklasan kaya nila ang lihim sa pagkamatay ng kanilang kaibigan?O sila ang maunahan ng Kamatayan?
Madalas pagtanghalan ang auditorium ng San Victoria University. Nalaos lamang ito matapos mapabalita ang pagpapakamaty ng isang batang babae. Mula noon naging usap usapan na sinomang umupo sa pinakaunang row ng auditorium ay dinadalaw ng namatay na bata at pinapatay.
Patutunayan ng isang production team, sa pamumuno ng director na si Sandy na hindi totoo ang sumpang iyon.
Isa isang malalagas ang grupo niya at may mga siktreo na mabubunyag.