SweetMeryana
- Reads 56,182
- Votes 91
- Parts 2
Aspyn Louise Kale Anivar-isang babaeng ang tanging hiling sa buhay ay katahimikan. Ayaw niya ng ingay, ayaw niya ng magulong mundo, at higit sa lahat, ayaw niyang mapansin. She longs for a peaceful world-a place where her chaotic mind can finally rest. Kaya tinatago niya ang sarili niya sa oversized T-shirts, kupas na pantalon, messy bun, at salamin na nagsisilbing pader sa pagitan niya at ng mundo-Invisible. Untouchable. A nobody.
Ngunit sa likod ng katahimikang iyon ay may mga bagay na hindi niya lubos maintindihan-mga pira-pirasong alaala na tila hindi sa kanya, mga pangyayaring pilit niyang winawala ngunit patuloy na bumabalik. Parang mga echo-mahina, paulit-ulit, at hindi tuluyang nawawala.
Ngunit paano kung ang mundong pilit niyang iniiwasan ang siyang kusang lumalapit sa kanya? Paano kung hindi siya hinahayaang manatiling tahimik? Parang binibiro siya ng tadhana.
At mas lalo pang ginulo ng isang tao-si Asher Breeze Villanueva.
Sino nga ba siya sa mundong pilit binubuo ni Aspyn?
At bakit sa bawat pagtatangka niyang umiwas, mas lalo siyang hinihila pabalik-sa mga piraso ng nakaraan, sa mga sakit na hindi niya matakasan, at sa isang damdaming tila nagsimula pa bago niya ito maintindihan?
Ito ay kwento ng katahimikan na may tinatagong lihim, ng pusong natutong magmahal, at ng mga alaala na kahit pira-piraso ay syang bubuo sa kanya.