kailenshin
Naniniwala ka ba sa, "You don't find Love, because Love finds you."?
[Vince]
Hindi siya naghahanap ng pag-ibig. Ni wala nga siyang alam dito. Ni wala din siyang pakialam dito. O baka hindi niya pa nahahanap ang tamang tao para sa kanya.
"Ma, ayoko pang magka girlfriend. Isa pa, kailangan ko munang makatapos ng pag-aaral para matulungan ko kayo!"
[Kia]
She was once in love, but that love had fallen to pieces. Nasaktan na siya at ayaw niya nang magmahal ulit. She tries to avoid it at all costs, pero heto naman at naging playgirl siya.
"Jackie naman! Wag mo nga akong ireto kung kani-kanino! Mataas ang standards ko, kaya please!"
Magkaiba ang mundo nila. Magkaiba rin ang tinatahak nilang landas. Pero dahil sa magkahiwalay na landas na tinahak nilang dalawa, ay di nila inaasahang magtatagpo rin sila.
Did they find love? Or did love find them?